ONE-ON-ONE USAPAN WITH MR. JAYSON VILLAGOMEZ

1on1pic

Last October 12, 95.9 Green FM was graced to have our very own Mr. Jayson D. Villagomez, the only Filipino finalist to qualify in the 2nd annual Global Youth Video Competition on Climate Change organized by the United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC).

Here’s the full transcript of interview of One-on-One Usapan’s October 12 episode with its host Harlene Delgado:

HARLENE: MAGANDANG HAPON PO SA LAHAT NG NAKIKINIG SA 95 POINT 9 GREEN F-M, AKO PO SI HARLENE DELGADO AT ITO ANG ONE-ON-ONE USAPAN!

WELCOME SA LAUNCH WEEK EPISODE NG ONE-ON-ONE USAPAN! NASA IKATLONG ARAW NA RIN TAYO NG PAGSE-CELEBRATE NG ATING OFFICIAL LAUNCH WEEK! KAWAY KAWAY SA MGA LISTENERS NATIN JAN!

BUKOD SA LAUNCHING, SINE-CELEBRATE DIN NATIN ANG 11TH YEAR MARK NG GREEN FM! TALAGA NAMANG NAKAKA-PROUD NA SIMULA AUGUST 2005 HANGGANG SA NGAYON AY PATULOY ANG PAGTANGKALIK SA ATIN NG MARAMING LISTENERS. MARAMING SALAMAT PO SA ATING TAGAPAKINIG! DAHIL SA SUPORTA NIYO SA OFFICIAL UNIVERSITY RADIO, NITONG MARCH LANG AY GUMAWA NA RIN NG SARILING CHANNEL ANG GREEN F-M AT ITO NGA ANG ANIMO CHANNEL. UMABOT SA THREE HUNDRED THOUSAND HOUSEHOLDS ANG MAKAKAPANUOD SA CHANNEL NA ITO KAYA KUNG IKAW AY TAGA-CAVITE AY MAG-TUNE IN KA NA BILANG SUPORTA SA IYONG MGA KAPWA LASALYANO. HATID NAMIN SA INYO NGAYONG LAUNCH WEEK ANG IBA’T IBANG EXCITING SHOWS KAYA’T SANA’Y SAMAHAN NIYO KAMI BUONG LINGGO DITO LAMANG SA NINETY FIVE POINT NINE GREEN F-M. NGAYON NGA AY EXCITED NA RIN AKO PARA SA EPISODE NATIN NGAYONG HAPON KAYA’T LET’S GET STARTED!

WAG NA KAYONG MAG-ALALA DAHIL SAGOT NA NAMIN ANG KWENTUHAN NA SIGURADO AKONG HINDI NIYO KABABAGUTAN, KWENTUHANG HINDI LAMANG MAGPAPANGITI O MAGPAPAKILIG SA INYO KUNDI KWENTUHANG MAGBIBIGAY DIN SA INYO NG INSPIRASYON.

MAS MAGAAN ANG USAPAN, MAS ONE ON ONE ANG KUWENTUHAN! MGA KUWENTO NG TAGUMPAY AT PAG SISIKAP MULA SA MGA KILALANG INDIBIDWAL SA LOOB AT LABAS NG CAMPUS. MULI AKO PO SI HARLENE DELGADO, AT ITO ANG ONE ON ONE USAPAN ANG ATING PANAUHIN SA ARAW NA ITO AY ISANG AB BROADCAST JOURNALISM ALUMNA NA KASALUKUYANG NAG-AARAL NG KANYANG MASTER’S DEGREE IN ENGLISH AS A SECOND LANGUAGE. SIYA ANG KAISA-ISANG PILIPINO NA NAKAPASOK BILANG FINALIST SA 2ND ANNUAL GLOBAL YOUTH VIDEO COMPETITION ON CLIMATE CHANGE. NAPILI BILANG ISA SA APATNAPUNG FINALIST ANG KANYANG “GREEN YOUR CHOICE, GREEN YOUR LIFESTYLE” VIDEO UNDER NG CLIMATE ACTION CATEGORY. AT PARA LUBOS PA NATIN SIYANG MAKILALA, NARITO ANG AKING CO-HOST NA SI SUMMER PLASENCIA SA ATING SA SEGMENT NA…SINO SI JUAN? SUMMER? SINO NGA BA SI JUAN?

SUMMER: SI MR. JAYSON D. VILLAGOMEZ, O JAY SA KANIYANG MALALAPIT NA KAIBIGAN, AT JEIZ NAMAN PARA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA BROADJOURN COMMUNITY AY IPINANGANAK NOONG IKA-LIMA NG ABRIL. IPINANGANAK AT LUMAKI SA DASMARINAS ANG ATING BIGATING PANAUHIN SA ARAW NA ITO. NAGTAPOS SIYA NG ELEMENTARYA SA JOSE P. RIZAL ELEMENTARY SCHOOL AT SA IMMACULATE CONCEPTION ACADEMY NAMAN NOONG HIGH SCHOOL. PARA SA KAALAMAN NG KARAMIHAN, ANG ATING PANAUHIN AY ALUMNUS NG DE LA SALLE UNIVERSITY DASMARINAS AT NAGTAPOS NG A-B BROADCAST JOURNALISM.

MGA KAPWA KO LASALYANO, LIVE NGAYON DITO SA ONE ON ONE USAPAN ANG ATING PANAUHIN NA WALANG IBA NA SI MR. JAYSON D. VILLAGOMEZ! MAGANDANG ARAW SAYO SIR JAYSON!

JAYSON VILLAGOMEZ: HI! MAGANDANG HAPON.

HARLENE: WELCOME PO SA ONE-ON-ONE USAPAN, SIR.

JAYSON: THANK YOU.

HARLENE: AYAN SIR JAYSON, KAMUSTA NAMAN PO KAYO NUNG MGA NAKARAAN NA ARAW?

JAYSON: MEDYO BUSY KASI NA KO FOR THE COMPREHENSIVE EXAMINATION AND THEN MAY WORK DIN AKO AS A COPY EDITOR AND THEN MERON DIN AKONG MGA EXTRA-CURRICULAR ACTIVITIES LIKE SUMASALI AKO SA MGA, NAGJOJOIN AKO SA MGA CONFERENCES SO BASICALLY GUMAGAWA AKO NG MGA STUDIES ON DESIGN.

HARLENE: ALRIGHT. SO SOBRANG BUSY NIYO PO PALA SIR JAYSON AT MARAMING MARAMING SALAMAT SIR JAYSON SA PAGPAPA-UNLAK PO NG AMING IMBITASYON SO SIMULANT NA PO NATIN  ANG KWENTUHAN MULA SAINYO PAGKABATA SIR JAYSON SO NACUCURIOUS LANG PO KAMI KUNG PAANO NIYO PO GINUGOL ANG PANAHON NIYO BILANG ISANG BATA KUMBAGA PAANO PO BA SI JAYSON NUNG KANYANG KABATAAN?

JAYSON: NAGENJOY LANG AKO, NAGLALARO LANG DIN AKO KASO WALA PANG MGA FACEBOOK NUN SO BASICALLY NASAL ABAS AKO, NASA KANTO AKO TUMATAKBO DUN, NAGLALARO NG MGA PATINTERO MGA GANYAN AND THEN NUNG HIGHSCHOOL MEDYO NAHUMALING AKO SA COMPUTER GAMES SO BASICALLY YUN YUNG CHALLENGE KASI NGA HINDI AKO NAKAPAGARAL MABUTI SO SYEMPRE MINSAN NAPAPATAWAG NG PRINCIPAL KASI MEDYO NAPAPADALAS ANG ABSENT, NAGIGING LATE SA SCHOOL. MINSAN NGA NAALALA KO, GUMAGAPANG PA AKO SA LIKOD NG *LAUGHS*

HARLENE: SA LIKOD NG CLASSROOM!

JAYSON: YES, PARA LANG DI AKO MAKITA NG TEACHER KO SO YUN. MEDYO ENJOY NAMAN SIYA KASI ANG INIISIP KO LANG NUN AY FIRST, MAGLARO AND SECOND TALAGA YUN MAG-ARAL. PERO DESPITE NG MGA CHALLENGES NA YUN, NUNG ELEMENTARY KASAMA AKO PALAGI SA MGA MODEL STUDENT.

HARLENE: OH, SO HUWARANG NA MAGAARAL SI SIR.

JAYSON: OO, AND THEN NOONG FIRST YEAR HIGHSCHOOL NAGING PRESIDENTE AKO NG KLASE AND THEN YUN. HINDI AKO NAGIGING HONOR STUDENT PERO SA TINGIN KO NAMAN MEDYO COMPETITIVE AKO NUN IN TERMS SA ACADEMICS.

HARLENE: MHM, YES, PAREHAS KANG ACTIVE SIR, YUN NGA SA PAGLALARO, SA MUSICAL LIFESTYLE AT YUNG SA ACADEMICS NIYA AND SIR KUNG PWEDE NAMIN MATANONG ANUNG KLASENG BATA PO BA NOON SI JAYSON? KUMBAGA MASAYAHIN O MAHIYAIN BA?

JAYSON: TAHIMIK LANG, AND THEN KUNG KASAMA ANG MGA FRIENDS SYEMPRE ALAM MO YUN, LUMALABAS ANG PAGKAK- ANG PAGIGING OUTSPOKEN MO, PAGIGING EXTROVERT MO PERO PAG SA MGA IBANG TAO MEDYO TAHIMIK AKO.

HARLENE: AYUN, SO DEPENDE DIN SIR ANO, SA NAKAKASAMA MO. AND, SIR JAYSON MATANONG LANG DIN PO NAMIN ANO PO BA ANG CHILDHOOD DREAM NIYO NOON?

JAYSON: MAGING DOCTOR.

HARLENE: OH, OKAY.

JAYSON: AYUN, NOONG BEFORE AKO PUMASOK DITO, KASI ANO EH, JUNE YUNG PASUKAN, APRIL LANG AKO NAGSUBMIT KASI NGA, AYUN.

HARLENE: OKAY.

JAYSON: NAG-SUBMIT AND CLOSE NA TALAGA YUN SA HUMAN BIO AND THEN NA CLOSE NA DIN AKO SA ACCOUNTANCY. SYEMPRE GUSTO KO MAGRAMPANT NOON KASI SYEMPRE MAY CHOICES KA, TATLO YUN AND YUNG THIRD KO IS COMMUNICATION AND THEN NI INTERVIEW AKO DITO AND THEN SINABI KO, DOON LANG PUMASOK SA AKIN, DOON KO LANG NALAMAN NA MAY BROADCASTING JOURNALISM AND INISIP KO KUNG ANO YUN MGA OPTIONS DOON. SO, PWEDE KA MAGING FILM DIRECTOR, NEWS CASTER KAYA SABI KO AY SIGE.

HARLENE: AYUN, SO DOON KAYO NA-ENTICE SIR JAYSON?

JAYSON: OO, DAHIL KAY SIR ARTIN. *LAUGHS*

HARLENE: AH, OKAY, SA NAKATULONG PALA DIN SI SIR ARTIN. PERO NAKAKATAWA DIN SIR JAYSON AH, KASI ANG DAMI NIYO DIN PINAGPILIAN FROM HUMAN BIO TAS TO ACCOUNTANCY TAS TO COMMUNICATION. TALAGANG IBA, IBA’T-IBA ANO.

JAYSON: NOONG NASA, NASA COLLEGE AKO NAGIISIP DIN AKO MAGSHIFT

HARLENE: ALRIGHT.

JAYSON: KASI SYEMPRE ALAM MO YUNG STAGE NG PAGIGING STUDYANTE NA PAIBA IBA EH.

HARLENE: YES.

JAYSON: SO HINDI MO TALAGA ALAM KUNG SAAN. PERO SINABI KO NA, KASI NAHILIG AKO DIN SA ENGLISH, SO SINABI KO, EH MAHILIG DIN AKO MAG ANALYZE NG MGA SENTENCES EH. KASI MY DIFFERENT KINDS OF LEVEL OF CONVERSATIONS. FIRST, SECOND, THIRD, SO MAY HILIG AKO DYAN. SO SABI KO SIGE TUTULOY KO NA LANG KASI BROADCAST JOURNALISTS, KASI WHEN IT COMES TO JOURNALISM NAGCRECREATE KA NG MESSAGE, SO IN A WAY KUNG PAANO IRERECEIVE ANG MESSAGE, KASI MAY ANO KA EH, MAY INCOME MAY GOAL KA, IS IT TO ENCOURAGE THEM, TO INFORM, TO EDUCATE THEM. SO SABI KO, SIGE DUN NA LANG, KASI BINABALAK KO LANG DIN KASING MAGING, AH, PROF.

HARLENE: AH, OKAY SIR.

JAYSON: KAYA AKO NAGTATAKE NG MASTERS NGAYON, AYUN.

HARLENE: AYUN SIR, SO MAPUNTA NAMAN TAYO SIR NGAYON SA BUHAY NIYO NAMAN SA PAMILYA KASE, ANO, DOON PARIN NAMAN PO TAYO SA PAGKABATA NIYO. SO NABANGIT NIYO NGA SIR SA PRELIMINARY INTERVIEW NA APAT PO KAYONG MAGKAKAPATID.

JAYSON: YES.

HARLENE: ALL RIGHT, SO KAMUSTA NAMAN PO SIR, MATANONG LANG PO NAMIN, ANG INYONG RELASYON WITH YOUR SIBLINGS?

JAYSON: OKAY NAMAN, MASAYA. YUNG TYPICAL NA MAY KAPATID KA, SYEMPRE LUMALABAS KAYO EVERY WEEKEND. KASO NOONG CHILDHOOD KO, NASA ABROAD KASI YUNG FATHER KO, NASA JAPAN SIYA. SO FOR FIFTEEN YEARS HINDI KO SIYA NAKASAMA. SO BASICALLY SA PHONE LANG DIN YUNG MEANS OF COMMUNICATION NIYO, SO WHEN IT COMES TO RELATIONSHIP SA MGA KAPATID KO NAGING MASAYA NAMAN KAMI KASI ALAM MO YUN, KAPAG DARATING YUNG PADALA NG PAPA MO,

HARLENE: PAUNAHAN PO KAYU DOON SIR, ANO.

JAYSON: AND THEN YUNG SA PACKAGE KASI AKO LANG YUNG NAGIISANG LALAKI SO MERON AKONG PLAYSTATION MERON AKUNG NINTENDO 64 KUNG ALAM NIYO PA YUN, KUNG FAMILIAR, SO BADMINTON, SO ALMOST KALAHATI NG SA PACKAGE FEELING KO SA AKIN.

HARLENE: OO,OPO

JAYSON: TAPOS SA KANILA MGA BARBIE DOLLS LANG, GANUN.

HARLENE: PAANO NAMAN PO YUN SIR JAYSON NA LUMAKI PO KAYO NA PURO BABAE ANG MGA NAGING KAPATID NIYO, KUMBAGA DI PO BA NAGING MAHIRAP OR CHALLENGING?

JAYSON: HINDI SIYA NAGING MAHIRAP KASI AH. YUNG MGA PINSAN KASI AH MORE ON LALAKI SILA…

HARLENE: AH, OKAY.

JAYSON: SO, PARANG KAPITBAHAY KO LANG SILA , SA PAGGISING KO NG UMAGA MAGLALARO AGAD KAMI SA LABAS.

HARLENE: OPO. AH. SIR JAYSON DI PO MAIIWASAN KASI SA MAGKAKAPATID NA NAGKAKAROON NG RIVALRY, KONTING TAMPUHAN, PUWEDE PO BA NAMIN SIR MA… PUWEDE NIYO PO BANG MA-SHARE IF NAGKARON PO BA KAYO NG TALAGANG AS IN MALALANG RIVALRY BETWEEN YOUR SIBLING.

JAYSON: (CHUCKLES) WALA WALA.

HARLENE: WALA TALAGA SIR.

JAYSON: OO. ANG ISANG CHALLENGE LANG KASI TATLO SILANG MAGKAKA… AH TATLO SILANG BABAE. SO SIYEMPRE YUNG MGA SIMILARITIES AND DIFFERENCES NAKAKARELATE SILA. SO AKO LANG MAG-ISA. PERO OKAY NAMAN KASI YUNG ATTENTION KASI NA BINIBIGAY SAKIN AH NUNG MOTHER AND FATHER KO, AH MEDYO…MEDYO NA’ SAKIN KASI AKO LANG YUNG NAG-IISANG LALAKI.

HARLENE: SPECIAL YUNG DATING MO SIR JAYSON. AYUN NABANGGIT PO NATIN KANINA SIR NA NATANONG KO PO IF MAHIRAP BA YUNG LUMAKI KASAMA PURO MGA BABAE, BUT NOW SIR BILANG MIYEMBRO KA NG MEDYO MALAKING PAMILYA SIR. HINDI PO GANOON KALIIT DAHIL NGA APAT PO KAYO NO. MAHIRAP PO BA SIR JAYSON OR HINDI NAMAN NA APAT KAYO AND THEN YUNG MOTHER NIYO THEN MALAYO PA YUNG PAPA NIYO?

 

HARLENE: HMMMM.

 

HARLENE: YUNG GANONG KLASENG SET-UP SIR JAYSON.

 

JAYSON: HINDI KASI AHHH ALAM MO YUN PARA KA LANG (INAUDIBLE)..

KASI EVERYDAY KAYONG MAGKAKASAMA SO NASANAY KA. HINDI NAMAN KASI SIYA YUNG LIKE TEN YEARS OLD AKO ‘TAS BIGLANG UMALIS YUNG FATHER KO KASI MALIIT PA LANG AKO TWO YEARS OLD SO HINDI PA RIN GANUN DIN AKO KA-AWARE SO BASICALLY MADALI LANG KASI NA-ADAPT MO YUN EH THROUGH THE YEARS.

HARLENE: AYUN SIR, AHH KUNG PUWEDE NIYO LANG DIN MAI-SHARE SIR, ANO YUNG PINAKA MABIGAT NA PAGSUBOK NA NAPAGDAAN NG BUONG PAMILYA NIYO NA SIYEMPRE EVENTUALLY SIR JAYSON ALAM NAMING NA-SURPASS NIYO NAMAN?

 

JAYSON: UHM, MAHIRAP LANG KASI SIYEMPRE MAY SAKIT YUNG MOTHER KO SA AHHH… RESPIRATORY DISEASE AND CARDIOVASCULAR DISEASE. UHM KAPAG ALAM MO YUNG GABI DARATING KA TAPOS PARANG MEDYO IBA YUNG TEMA NG..O PAKIRAMDAM NG MOTHER MO SO YUN LANG DIN YUN KASI MINSAN SINUSUGOD SIYA SA HOSPITAL SO YUN. YUN LANG YUNG MABIGAT NA CHALLENGE OO.

 

HARLENE: ANO NAMAN PO SIR YUNG NAKUHA NIYONG LESSON OR ANO PO YUNG NAIAMBAG NUN SA CHARACTER NIYO? YUNG MGA GANONG KLASE NG PROBLEMANG KINAHARAP NIYO NOON WITH YOUR MOM.

 

JAYSON: UHM… MAGING MATATAG KA LANG KASI ALAM MO YUNG MGA CHALLENGES MA-SUSURPASS MO YAN EH KASI DUN DIN SA POINT NA YUN DUMATING SA…ALAM MO YUNG EVERY WEEK KANG NAGSISIMBA PARA LANG…KASI KAKAIBA YUNG NAGSISIMBA KA EVERY WEEK TAPOS UHM IN THE FOLLOWING DAYS OR MONTHS PARANG NATUTUPAD YUNG..YUNG

 

HARLENE: MGA WISHES MO SIR..

 

JAYSON: MGA WISHES MO. MGA GUSTO MONG MANGYARI SO GANUN LANG, SIMBA LANG. (CHUCKLES)

 

HARLENE: AT NA-ADAPT NIYO YUN SIR HANGGANG NGAYON PAGLAKI NIYO PO SO AYUN. PUMUNTA NAMAN TAYO SA LIGHTER SIDE DAHIL MEDYO NAGIGING SERYOSO NA TAYO ANO. PAG-USAPAN NAMAN NATIN YUNG…KANINA NAPAHAPYAW NA NI SIR JAYSON ANG HIGHSCHOOL LIFE. AYAN SIR BAGO TAYO TUMUNGO SA COLLEGE LIFE NIYO. SABI NGA NG MARAMING SA ATIN HIGHSCHOOL LIFE IS THE BEST SO SIR JAYSON UHM AMINADO BA KAYO OR SANGAYON BA KAYO DUN?

 

JAYSON:  OO SANG-AYON AKO DOON (CHUCKLES) KASI LAHAT NG MGA EXTRA CURRICULAR ACTIVITIES NA SALIHAN KO KASI NAG ARNIS AKO, NAG MARTIAL ARTS AKO, NAG TAEKWONDO, AND THEN AH SUMALI DIN AKO SA CHEERING KASI KAKAUNTI LANG LALAKI SAMIN SO I WAS FORCED TO (CHUCKLES) TO JOIN PERO NAGING ENJOY SIYA KASI ALAM MO YUNG PARANG HINDI RIN KASI NAGING MAHIGPIT YUNG MOTHER KO KASI NGA LALAKI AKO KAHIT NA ISA LANG AKONG LALAKI SA AMIN, PARANG HINDI YUNG YUNG CURFEW PARANG OKAY LANG SAKIN KAHIT NA UMUWI AKO NG ELEVEN THIRTY PERO NANDIYAN YUNG MGA TEXT MESSAGES NA…UY NASAN KA, YUNG MGA CALLS, PERO OKAY DIN NAMAN SA KANILA YUN.

 

HARLENE:  EH SIR MATANONG LANG NAMAN NAMIN SABI MO NGA…SANGAYON KA NA THE BEST ANG HIGHSCHOOL LIFE. PUWEDE MO BANG MA-ISHARE SA AMIN KUNG ANO YUNG PINAKA MEMORABLE NA HIGHSCHOOL EXPERIENCE MO EVER. YUNG TALAGANG KAHIT SAAN KA MAGPUNTA SIR JAYSON HINDI MO MAKAKALIMUTAN

 

JAYSON: HALA ANG HIRAP NIYAN (CHUCKLES)

 

HARLENE: (LAUGHING)

 

JAYSON: ANG DAMI KASI EH..

 

HARLENE: MADAMI!

 

JAYSON: OO PERO YUNG ANO LANG, YUNG ANO AFTER SCHOOL, LAGI KAMING PUMUNTA SA MCDONALDS SA BAYAN PARANG THREE P-M NANDOON KAMI TAPOS UUWI KAMI MGA SEVEN. TAPOS DIDIRETSO KAMI NIYAN SA COMPUTER SHOP KASI USO NGA, USO DATI YUNG RAGNAROK, YUNG… GUNBOUND

 

HARLENE: AHHH YUNG PASIKAT SILA SIR NO. (CHUCKLES)

 

JAYSON: OO TAPOS ANO PA PARA KASING ANO PARANG KONTI PA YUNG MAY MGA COMPUTERS. I FEEL SO OLD (CHUCKLES)

 

HARLENE: (LAUGHING)

 

JAYSON: ONTI PA TALAGA SO PUNONG PUNO YUNG COMPUTER SHOP DOON KAMI NAGSPEND NG TIME

 

HARLENE: MAGKANO PA ANG RENTA NOON SIR JAYSON?

 

JAYSON: TWENTY FIVE?

 

HARLENE: HMM. DI PA RIN PALA NALALAYO SIR JAYSON SO IBIGSABIHIN MGA KELAN LANG YUN (CHUCKLES)

 

JAYSON: TWO THOUSAND SOMETHING. (CHUCKLES)

 

HARLENE: AYUN. SO AYAN SIR JAYSON PINAG USAPAN PO NATIN YUNG KABATAAN NYO, DUMAKO NAMAN TAYO SA MGA KATANUNGAN NA NAGLALARAWAN MISMO SA PERSONALIDAD NYO. HANDA NA BA KAYO SIR JAYSON? AYAN! SO SA ATING PRELIMINARY INTERVIEW SIR, NABAHAGI MO SAMIN NA YUNG PINAKA GUSTONG GINAGAWA MO PO AY ANG PAG BABADMINTON AT JOGGING. SO TALAGANG SPORTY PO BA TALAGA KAYO SIR JAYSON?

 

JAYSON: AM. MEDYO. KASI KAILANGAN KO MAGING ACTIVE KASE SA.. SA WORK KO PARANG NAKAUPO LANG AKO AS A COPY EDITOR SO FOR THE REST OF THE EIGHT HOURS, NAGE-EDIT LANG AKO NG MGA RESEARCH ARTICLES DONE BY DOCTORS –YUNG MGA THESIS. GAYA NGA NG SINABI KO SA INYO NA PARANG MEDYO ANO AKO SA GRAMMAR, SA MGA SYNTAX. SO DUN AKO.. DUN KO TALAGA

 

HARLENE: YUN YUNG PINURSUE NYO

JAYSON: OO. AYUN…. COME AGAIN YUNG QUESTION?

HARLENE: AH SIR AYUN. KUNG TALAGANG SPORTY PO BA TALAGA KAYO?

JAYSON: OO KASE NGA KAILANGAN PERO I MAKE IT TO A POINT NA NAG JA-JOG AKO ONCE A WEEK. IT’S EITHER EVERY SUNDAY OR JAN SA MAY OVAL LIKE SA FRIDAY OR SATURDAY. SO MAKIKITA NYO AKO JAN SA GRANDSTAND. AND THEN YUNG BADMINTON KASAMA KO YUNG MGA HIGH SCHOOL FRIENDS KO. IT’S FUN WAY OF LIKE MEETING THEM EVERY NOW AND THEN SO NAG BABADMINTON KAME.

HARLENE: NAKAKATUWAN SIR JAYSON ANO? KASE ACTUALLY KUNG IISIPIN MO HINDI SIYA MANDATORY PERO KAYO PA MISMO YUNG NAG EMBODY SA SARILI NYO NA KAILANGAN KONG GAWIN TO KASE I NEED TO HAVE A HEALTHY LIFE STYLE. AYAN SA MGA TAGA PAKINIG JAN, KUNG SI SIR JAYSON NGA O SOBRANG ACCOMPLISHED BUT TALAGANG GINAGAWAN NYA NG PARAAN PARA MAGING PHYSICALLY ACTIVE. SO KAILANGAN GUMAWA TAYO NG PARAAN PARA NGA NAMAN MAGING HEALTHY TAYO DIBA? NASABI MO RIN PALA SIR JAYSON NA BLOGGER PO KAYO. SO PWEDE BA SIR NAMING MALAMAN KUNG TUNGKOL SAAN PO BA ANG MGA BINA-BLOG NYO?

JAYSON: SA ANO, FINANCES. SA FINANCIAL. LIKE MERON AKONG SINU-SUPPORT NA BLOG LIKE AH YUNG MAY ARI IS FROM AUSTRALIA SO..

HARLENE: AH OKAY.

JAYSON: NAG CO-CONTRIBUTE AKO NG MGA ARTICLES SA KANYA AND THEN NAKIKIPAG ENGAGE AKO SA FORUM WITH OTHER FINANCIAL BLOGGERS. SO AYUN YUNG MGA LIKE BUDGETING, INVESTMENTS.. SO GANUN YUNG MGA TOPIC NA PINAG UUSAPAN NAMING SA FORUM.

HARLENE: PERO SIR NAG MI-MEET DIN PO KAYO NG PARANG NAG KAKARON TALAGA KAYO NG CONFERENCES?

JAYSON: MERON SILANG TINATAWAG NA FINCON, FINANCIAL CONFERENCE. SO… LAST YEAR GINANAP SYA SA WASHINGTON DC.

HARLENE: WOW.

JAYSON: PERO HINDI NAMAN AKO YUNG PUMUNTA DON.

HARLENE: OPO.

JAYSON: PERO KILALA KO LANG SILA SO YUN. NAKIKIPAG ENGAGE AKO SA KANILA KASE NGA IT’S ONE WAY OF BUILDING THEIR SITES EH. LIKE YUNG BUILDING. SO GANUN.

HARLENE: AYUN SIR NABANGGIT NYO NAMAN PO KANINA NA MAHILIG PO KAYONG MAG LARO NG VIDEO GAMES.

JAYSON: YES.

HARLENE: SO SIR PWEDE NYO PO BANG IBAHAGI SAMIN KUNG ANO YUNG PINAKA PABORITO MONG GAMES?

JAYSON: RIGHT NOW YUNG NILALARO KO YUNG SUMMONERS WAR.

HARLENE: SUMMONERS WAR! ONLINE GAME TO SIR JAYSON?

JAYSON: ONLINE GAME SA PHONE LANG.

HARLENE: PHONE LANG. SO PANO YUNG.. PANO YUNG GAME NA YON SIR? PARANG MAY IBA’T IBANG TEAMS? NA…?

JAYSON: AM. PARA SYANG MM.. MMROPG

HARLENE: ALRIGHT

JAYSON: SO IT’S LIKE BATTLE EH. PARANG CLASH OF CLANS DIN PERO AHHH WHAT I LIKE ABOUT THE GAME IS YUNG CHARACTER NYA MEJO BIGGER. KASE YUNG SA CLASH OF CLANS KASE PARANG REVOLUTIONARY EH.

HARLENE: YES!

JAYSON: SO BAKA.. ANG GULO

HARLENE: TAMA! (LAUGH)

JAYSON: SO DUN KASE YOU CAN CONTROL ONE CHARACTER AT A TIME. SO ONE ON ONE YUNG LABANAN SO MAS GUSTO KO YUNG GANUNG…

HARLENE: OPO MAS NACHA-CHALLENGEKA DON KUYA NO KASE SA CLASH OF CLANS NAPANSIN KO PO. PARANG MAGTA-TAP KA LANG NG MAGTA-TAP. DIBA PO PARANG GANON?

JAYSON: MAY PAGKA-STRATEGIC DIN YUNG GAME.

HARLENE: ALRIGHT! OPO.

JAYSON: IN COMPARED WITH THE CLASH OF CLANS KASE MAG BI-BUILD KA NG MGA.. KUNG PANO MO PALALAKASIN YUNG CHARACTERS MO. SO MAY MGA AGILITY…. YUNG MGA GANON.

HARLENE: AYAN. SO KAHIT MAHILIG MAG LARO SI SIR JAYSON EH MAHILIG DIN SYANG MAG BASA. KAYA NAMAN SIR JAYSON, PWEDE MO RIN BA SA AMING IBAHAGI KUNG ANO YUNG FAVOURITE BOOK MO?

JAYSON: HALA. ETO YUNG WORSE SAKIN. KASE MINSAN LANG AKO MAG BASA NG MGA NOVELS.

HARLENE: ALRIGHT PO.

JAYSON: PERO BINABASA KO KASE IS MGA TEXTBOOKS. KAPAG SINASABI NG MGA KA-OFFICEMATE KO KUNG ANONG BOOK ANG MGA BINABASA KO… MAGUGULAT SILA KASE MGA TEXTBOOK YUNG MGA BINABASA KO.

HARLENE: YES.

JAYSON: LIKE DISCOURSE ANALYSIS.. ABOUT ENGLISH AND SECOND LANGUAGE, YUNG MGA THEORY KASE NG… KAKAIBA KASE YUNG THEORY. KAKAIBANG MAG ARAL NG MGA THEORY KASE MAKIKITA MO KUNG PANO. PAPAANO LIKE FOR EXAMPLE YUNG CONVERSATION. PAPAANO NAGIGING SUCCESSFUL YUNG COMMUNICATION.

HARLENE: YES

JAYSON: SIGURO DAHIL DIN SA EXPERIENCE KO AS A BROADCAST JOURNALISM KASE NGA MERON TAYONG COMMUNICATION THEORY. SIGURO DAHIL DIN YUN SA EXPERIENCE KO AS  A BROADCAST JOURNALISM, KASI NGA  MERON TAYONG COMMUNICATION THEORY. SO, DUN SIGURO NAGSIMULA YUNG PAGKA-HILIG KO SA PAG-STUDY NG MGA THEORIES ABOUT COMMUNICATION.

 

HARLENE: PERO SIR, BEFORE KA PA PO BA MAG-ENROLL IN BROADJOURN,TALAGANG ANDUN NA YUNG PAGKA_HILIG MO SA PAGBABASA NG MGA TEXT BOOKS?

 

JAYSON: HINDI, KASI NGA SABI KO SAYO  ANO AKO EH, GAMER AKO EH NUNG HIGHSCHOOL.NUNG COLLEGE LANG TALAGA, KASI SABI KO SA SARILI KO, MAGFOFOCUS NA AKO SA STUDIES. HINDI KO RIN—NAGULAT DIN AKO KASI PAGPASOK KO DITO, I WAS GRANTED A FOUR YEAR SCHOLARSHIP SA ALUMNI. SO MEDYO HINDI NAMAN GANUN KATAAS YUNG MAINTAINING GRADE NILA –LIKE 2.75, PERO YUNG GRADE KO KASI  NAGRARANGE SIYA SA MGA 3.5 TO 3.75 [LAUGHS]

 

HARLENE: GRABENG ACADS SCHOLARSHIP YUN SIR JAYSON

 

JAYSON:HINDI, KASI NGA GAMER LANG AKO EH, FIRST YEAR LANG AKO NAGSTUDY AND STUDENT LEADER PA AKO , PART PA AKO NG BROADCAST JOURNALISM PROGRAM COUNCIL , SO ANG DAMI KONG ROLES NA PINLAY NUNG COLLEGE AKO.PER, I WONDER KUNG PANO KO SIYA NA-MANAGE.

 

HARLENE:  HANGGANG NGAYON SIR JAYSON? AYAN SIR PUMUNTA NAMAN TAYO SA MGA PINAKAGUSTONG PINAGUUSAPANG NG ATING TAGA-PAKINIG—ANG PAGKAIN, AYAN SIR, SABI MO SIR JAYSON NA PABORITO MO TALAGA ANG PINOY FOODS. SO ANO PO BA ANG PABORITO NIYONG PINOY FOODS NA NILULUTO NG MOM NIYO?

 

JAYSON: MENUDO.KASI KAKAIBA YUNG MENUDO NIYA, THICKERAND MARAMI SIYANG—ANG GUSTO KO KASI YUNG CARROTS DUN EH.

AYUN, PAG MERON DUN, CARROTS LANG YUNG KINAKAIN KO PATI YUNG SAUCE.TAS KONTI NA YUNG KANIN,

 

HARLENE: SO SIR, MAY SPECIAL SPICE BA NA GINGAMIT PO YUNG MOM NIYO PAG GUMAGAWA NG MENUDO?

 

JAYSON:WALA. PERO MATAGAL KASI YUNG PAGKAKALUTO NG KANIYANG PORK, SO MALAMBOT TALAGA.

 

HARLENE: SO ANO BANG KLASE—ASIDE FROM MENUDO ANO PA PO YUNG GUSTO NIYONG PINOY FOODS? KUMABAGA, MAASIM BA, MATAMIS, MAY PAGKA-MAALAT?

 

JAYSON: GUSTO KO YUNG SWEET SIDE. YUNG SWEET NAD SALTY SIDE. TULAD YUNG, ADOBO

 

HARLENE: SO GUSTO NIYO SIR, PAG ADOBO MANAMIS-NAMIS, GANON?

 

JAYSON: YUN YUNG HINAHANAP KO LAGI DUN SA MAY—HALA SA, OVEN MAID . KASI MAY PAGKA SWEETER YUNG ADOBO NILA.

 

HARLENE : AH, GANUN PO GUSTO NIYONG ATAKE SA ADOBO?

 

JAYSON: HINDI KO RIN MAKAKALIMUTAN YUN TURON NG OVEN MAID KASI ALAM MO YON, NAGRARADYO DIN KASI AKO DATI , SO YUNG BEFORE TUTOK LASALYANO, MAY BREAK KAMI NUNG 3-4 TAPOS MAY KASAMA AKO PALAGING CLASSMATES, LIMA KAMI, TAPOS PUPUNTA KAMI TAPOS PUPUNTA KAMI SA OVEN MAID, THEN BIBILI KAMI NG TURON

 

HARLENE : SO YUN NA YUNG PANG MERYENDA NIYO, SIR JAYSON?

ALRIGHT, SO KANINA, NASABI NIYO PO TALAGA NA ANG PABORITO NIYO AY MENUDO, PERO KUNG PAPIPILIIN KAYO SA DALAWANG SIKAT NA PINOY FOODS, ADOBO O SINIGANG?

 

JAYSON: HMMM SINIGANG AKO. KASI MAS MADAMI SIYANG GULAY, MAS HEALTHY. MAS HEALTHY SIYA EH. MAS GUSTO KO KASI YUNG LABANOS DUN

 

HARLENE: AH OKAY, SIR, SO MAS GUSTO YUN, BANGUS DUN?

 

JAYSON: AH, HINDI. KAHIT ANONG SINIGANG.

 

HARLENE: AH, OKAY. SIR, PAGDATING NAMAN PO SA MGA  KINAAYAWAN NIYO SIR JAYSON. ETO MUNA SIR, ANO PO YUNG PINAKA AYAW NIYO ? TRAFFIC O MABAGAL NA INTERNET?

 

HARLENE: AHH OKAY PO SIR.

 

JAYSON: TRAFFIC. KAYA AKO NAGWORK FROM HOME EH,KASI ANG GRABE NG TRAFFIC SA MANILA , LIKE DUN PALANG SA COASTAL, AABUTIN KA NA NG 40 MINUTES. FOR EXAMPLE, UMALIS AKO LAST WEEK, MERON KASI SIYANG ANO YUN—CONNECTION NA DUN SA MAY FROM BACOOR. MERON NA SIYANG CONNECTION DUN  SA MAY  DUN SA ROAD PATAAS PAPUNTA SA MAY NAIA ONE, O AYUN MEJO TRAFFIC NA TALAGA SIYA.

 

HARLENE: SO SIR, PARANG NAG-ACCUMULATE NA TALAGA YUN MGA ANO—ALRIGHT SIR,  ETO NAMAN, ANO NAMAN KAYA ANG IBANG PANGYAYARI  NUNG NAGARAL PA NG BROADCAST JOURNALISM ANG ATING ALUMNUS? MAY MGA KALOKOHAN BA SIYANG NAGAWA? SINO PO YUNG PINAKA HINAHANGAAN NIYONG PROPESOR DITO? YAN AT IBA PANG DETALYE SA BUHAY  KOLEHIYO NI MISTER JAYSON VILLAGOMEZ SA PAGBABALIK  PO NG ONE ON ONE USAPAN, DITO LANG PO SA 95.9 GREEN FM!

*PLUGS* (U-MAG, DRAMARATHON & KAUSAP)

HARLENE: AT NAGBABALIK PO ANG ONE ON ONE USAPAN. AT KASAMA PA RIN NATIN DITO SA STUDIO ANG ATING GUEST NA SI KUYA JAYSON VILLAGOMEZ. ALRIGHT, NAPUTOL TAYO SA TANONG TUNGKOL SA MAKULAY NA BUHAY KOLEHIYO NI SIR JAYSON. NGAYON BALIKAN NATIN. SIR JAYSON, PWEDE PO BA NAMING MALAMAN KUNG ANO ‘YUNG MGA NATATANDAAN NIYONG MGA KALOKOHANG NAGAWA NIYO ‘NUNG COLLEGE.

JAYSON: HALA. ANO… ‘YUNG GRADUATING NA KAMI NAGTAKE KAMI NG PARANG EXAM SA TESOL ATA OR SOME TOEFL. SOMETHING LIKE THAT NG LLD.

HARLENE: OKAY PO.

JAYSON: AND THEN, AYUN DAHIL AYAW KONG UMATTEND KASI NGA MASAMA SIGURO ‘YUNG PAKIRAMDAM KO, NAGLOKO LANG AKO SA ISANG CLASSMATE KO NA PARANG… ACCORDING TO [AVISIMID], THE TEST FOR ALL THE GRADUATING STUDENTS WAS CANCELED YOU WILL BE INFORMED. AND THEN NAKARATING SIYA SA IBA’T-IBANG ESTUDYANTE.

HARLENE: OKAY.

JAYSON: NATAKOT AKO. KASI NGA ANG DAMING HINDI NAKA-ATTEND.

HARLENE: KASI NGA NATANGGAP ‘YUNG PINAKALAT NIYO NGA PO SIR.

JAYSON: OO. KASI JINOJOKE KO LANG ‘YUNG CLASSMATE KO NA PARANG HUWAG KA NANG UMATTEND. MAY PAGKA-B.I AKO NUNG MGA TIME NA ‘YUN.

HARLENE: *LAUGHING*

JAYSON: SO ‘YUN, MEDYO NATAKOT AKO KASI AKALA KO BAKA HINDI AKO MAKAGRADUATE.

HARLENE: OPO. KAPAG NA-TRACE KA SIR. GANUN.

JAYSON: OO. AT ALAM NILANG AKO ‘YUN. SO ‘NUNG NA-MEET KO SILA THE FOLLOWING DAYS, SINISI NILA KO. SO ‘YUN YUNG PINAKA, ALAM MO ‘YUNG PARANG 4TH YEAR KANA, GRAGRADUATE KA NA, D’UN PA KO GUMAWA NG KASALANAN.

HARLENE: D’UN KA PA NADALI, SIR JAYSON.

JAYSON: OO.

HARLENE: AYUN SIR, SA MGA PANAHON NA ‘YUN, SINO-SINO PO BA ‘YUNG MGA KAIBIGAN MO SIR NA TALAGANG GO NA GO DIN SA MGA KALOKOHAN AT PAANO NIYO SILA SIR NAGING KAIBIGAN OR PAANO ‘YUNG NAGING JOURNEY NIYO AS FRIENDS.

JAYSON: AKO KASI SA’TIN, KASI PARANG KONTI LANG TAYO DIBA.

HARLENE: YES SIR.

JAYSON: SO PARANG KAMI DATI ONE SECTION LANG KAMI FROM 2ND YEAR TO 4TH YEAR. SO NAGING INTACT TALAGA ‘YUNG PAGKAKAIBIGAN NAMIN. SO ‘YUN AT ‘YUN LANG DIN KASI ARAW-ARAW KAMING NAGKIKITA. SO KAMI KAMI LANG DIN. SO, KAMI LANG ‘YUNG MAGKAKAIBIGAN KASI NGA PARANG SAKTO TALAGA ‘YUNG SECTION NAMIN. PARANG NASA 35 KAMI. SO KUNG MAY DADAGDAG MAN NA IRREG, DALAWA. SO KAMI KAMI LANG. SO ‘YUN, HANGGANG NGAYON NAGIGING… FRIENDS PA RIN KAMI. MERON KAMING SARILING…. KASI ALAM MO ‘YUN, PARANG KASI MAY GRUPO-GRUPO DIN EH. SO… ‘YUN. HANGGANG NGAYON MAY SARILI KAMING CHATROOM SA FACEBOOK.

HARLENE: TALAGA SIR?

JAYSON: OO. ‘YUNG IBA SAMIN KASI NASA CANADA NA.

HARLENE: NAKAKATUWA.

30:01-35:00 MINUTES

JAYSON: YUNG IBA KASI SA AMIN NASA CANADA NA…

HARLENE: AYUN.

JAYSON: NASA DUBAI NA, SO MAGKAKAHIWALAY NA. AYUN, DUN KAMI NAG UUPDATE. AND THEN WE MAKE IT A POINT NA NAGKIKITA KAMI LIKE ONCE A MONTH. KASO…

HARLENE: AYUN..

JAYSON: SOBRANG BUSY. NUNG UNA ONCE A MONTH, SO THE FOLLOWING MONTHS PARANG HINDI NA SO PAG MAY MGA BIRTHDAY NALANG, MGA GANUN.

HARLENE: OKAY. PERO SIR ANG MAHALA MAY KUMBAGA NAGKAKAROON PA RIN KAYO NG UPDATE SA ISA’T ISA. KAILAN SIR ANG HULING REUNION NYO?

JAYSON: HALA MATAGAL NA. NUNG UMALIS YUNG CLASSMATE KO, PAPUNTANG CANADA KASI NAG MIGRATE NA SILA. SO PROBABLY MGA 8 MONTHS AGO NA, YUN. KASI SYA LANG DIN YUNG NAG IINVITE SA AMIN.. UY MAGKITA NAMAN TAYO. EH, WALA NA SYA NGAYON SO DIN A KAMI NAGKIKITA.

HARLENE: AYUN.. SOMEDAY SIR JAYSON. BAKA MAULIT ULIT. AYAN AT ETO NGA GUYS, NOONG COLLEGE SI KUYA JAYSON AY CONSISTENT, CONSISTENT DEAN’S LISTER LANG NAMAN SYA. SO SIR JAYSON, PAANO NYO PO NAGAGAWA YON? I MEAN ASIDE NA SA PAGIGING STUDENT LEADER NYO, CONSISTENT DEAN’S LISTER PA KAYO. SO ANO PO YUNG MGA WAYS SIR JAYSON NA GINAWA NYO NOON PARA MAMAINTAIN YUNG DALAWANG YON?

JAYSON: KASI, ALAM MO YUN AFTER NG SCHOOL, PUPUNTA KA SA ERS GAGAWIN MO NA YUNG MGA ASSIGNMENTS MO. DUN MO NA SYA GAGAWIN PARA KAPAG PAG UWI MO SA BAHAY, DI MO NA SYA GAGAWIN OR MAGREREVIEW KA NALANG. AND THEN AKO YUNG, AKO SIGURO YUNG MGA ISANG ESTUDYANTE DUN SA AKLATAN NA GINAGABI LIKE 7, MAGSASARADO NA.

HARLENE: WOW

JAYSON: SO SASABAYAN KO YUNG MGA NANDON.

HARLENE: YUNG MGA GUARDS SIR JAYSON, PALABAS (LAUGHS).

JAYSON: SINASABAYAN KO SILA, THEN PARANG SABAY NA KAMI, PARANG NAUUNA LANG AKO NG LIMANG MINUTO.  NAGSTAY LANG AKO DON PARA MAG BASA. KASI ALAM MO YUNG SA MAY CURRICULUM..

HARLENE: (AGREES)

JAYSON: TALAGANG HINAHANAP KO YUNG MGA BOOKS NA NANDO’N. BINABASA KO.

HARLENE: AHH..

JAYSON: HINDI LANG DIN AKO UMAASA SA MGA HANDOUTS NG TEACHERS..

HARLENE: YES, SIR.

JAYSON: KASI NGA YUN YUNG INE-ENCOURAGE NILA NA PARANG HINDI KA DAPAT MAGDEPEND DUN SA HANDOUTS, KAILANGAN MO KUNIN YUNG MGA BOOKS NA NAKALAGAY SA REFERENCES.

HARLENE: YES.

JAYSON: KASI NGA DUN KA MATUTUTO, KASI HINDI KA LANG NAMAN MATUTUTO SA MAY HANDOUTS, KASI KAILANGAN MO NG ANOTHER PERSPECTIVE EH.

HARLENE: YES SIR. AND PARANG WAY NA RIN YUN SIR NG PAG DISIPLINA RIN SA SARILI NYO NO?

JAYSON: OO.

HARLENE: NA HINDI KA LANG MAGSESETTLE KUNG ANONG MERON KA.

JAYSON: YES, IT’S A CHOICE.

HARLENE: YON! IT’S A CHOICE.

JAYSON: IT’S A CHOICE.

HARLENE: AT AYUN GUYS, DAHIL SCHOLAR DIN SI SIR JAYSON DATI AT STUDENT LEADER PA, AYUN NGA YUNG NAPAKINGGAN NATIN.. PAANO NYA BINALANCE. PERO SIR JAYSON, MAY NALAMAN DIN PALA KAMI, NA ANG SABI NYO PO SA PRELIMINARY INTERVIEW IS UGALI NYO RIN MAG COMPARE NG GRADES SA IBA. SO SIR JAYSON, PANO TO? BAKIT?

JAYSON: ANO YAN, KASI MAY ISA KAMING CLASSMATE (LAUGHS)

HARLENE: (LAUGHS) AYAN NA! NAG RE-REMINISCE NA SI SIR JAYSON.

JAYSON: DI KO ALAM BAKA MAGALIT YUNG MGA.. PERO MAY ISA KAMING CLASSMATE NA PARANG ANO.. GUSTO NYANG MAG-SARILI. PERO MATALINO SYA. OO.

HARLENE: WALANG DUDA, SIR JAYSON. MATALINO.

JAYSON: MATALINO TALAGA SYA. KASO MAY PAGKA-SELF CENTERED SYA EH.

HARLENE: AYUN..

JAYSON: NA PARANG SYA YUNG NAUUNA. AND THEN PARANG AKO YUNG PUMAPANGALAWA SA KANYA. KAILANGAN KONG GAWIN DIN YUNG BEST KO, GANUN. KASI NGA ANO SYA, LIKE, CUM LAUDE SYA.

HARLENE: AH, OKAY.

JAYSON: AYUN, KASO. AYUN NGA LANG. HINDI KO NA, AYOKONG BANGGITIN, AYOKO MAG ISHARE ABOUT THAT. (LAUGHS)

HARLENE: (LAUGHS) BINAON NA YUN NATIN SA LUPA SIR JAYSON.

JAYSON: PERO MAHILIG AKO MAG-COMPARE NG GRADES.

HARLENE: TSAKA MINSAN SIR JAYSON PARANG ANO YUN EH, PARANG MOTIOVATION MO RIN SA SARILI MO, DIBA.

JAYSON: OO. KASI PARANG YUN YUNG (LAUGHS)

HARLENE: (LAUGHS)

JAYSON: PARANG YUN YUNG MAG SESERVE SAYO KUNG ANO YUNG GRADES MO. KUNG ANO YUNG, LIKE YUNG GINAWA MO, SO ANO BA SYA NINETY BA SYA, KAILANGAN MO PA GALINGAN THE NEXT SEMESTER.

HARLENE: (AGREES)

JAYSON: OR THE NEXT PROJECT. SO IT’S ONE WAY OF IMPROVING YOURSELF.

HARLENE: AYUN. PERO HINDI NAMAN KAYO SIR NAGKAROON KAYO NG LAMAT DUN SA THIS PARTICULAR PERSON?

JAYSON: DI KO ALAM. (LAUGHS)

SIR ARTIN: (OFF MIC) SINO ‘YAN?

HARLENE: (LAUGHS) AYAN NA SI SIR ARTIN.

JAYSON: DI KO ALAM PERO, PERO OKAY NAMAN SYA. OO (LAUGHS)

HARLENE: NGAYON OKAY NAMAN KAYO SIR? IN GOOD TERMS NAMAN?

JAYSON: OO,  CASUAL LANG. CASUAL LANG KAMI.

SIR ARTIN: (OFF MIC) SINO BA  YAN?

HARLENE: AYUN. (LAUGHS) AYAW SIR, BAWAL DAW MAG NAME DROP.

JAYSON: PARA KASING KAPAG BIGAYAN NG GRADES..

SIR ARTIN: (OFF MIC) KIALALA KO BA ‘YAN?

JAYSON: PARANG ANO BA YANG GRADE NA NAKUHA NYA SA GANITO? TAS MALALAMAN MO, AY MAGKAPAREHAS LANG KAMI. SO OKAY LANG. (LAUGHS)

HARLENE: AYUN..

SIR ARTIN: (OFF MIC) KILALA KO BA ‘YAN?

JAYSON: SI ANO SIR.. (LAUGHS)

HARLENE: AYAN.. KUNG KANINA INUNGKAT NATIN ANG ILANG MGA PERSONAL NA BAGAY KAY SIR JAYSON, NGAYON NAMAN PAG-UUSAPAN NATIN ANG PROFESSIONAL LIFE NG ATING PANAUHIN SA ARAW NA ITO.

SIR ARTIN: (OFF MIC) LOVELIFE, LOVELIFE!

HARLENE:  (LAUGHS) KASO AYAW NI SIR JAYSON SO WE NEED TO RESPECT THAT. SA SECOND ANNUAL GLOBAL YOUTH VIDEO NG CLIMATE CHANGE NA INORGANISA NG UNITED NATIONS FRAMEWORK CONVENTION ON CLIMATE CHANGE, O UNFCCC.. SYA LANG NAMAN ANG..

 

 

HARLENE:  SIYA LANG NAMAN ANG NAKAPASOK NA FILIPINO SA FINALS, PARA SA KAALAMAN NG LAHAT SI SIR. JAYSON ANG GUMAWA NG VIDEO NA GREEN YOUR CHOICE, GREEN YOUR LIFESTYLE NA NAKA-QUALIFY BILANG ISA SA APA’T NA PUNG FINALIST UNDER NG CLIMATE ACTION CATEGORY. SO, SIR JAYSON MAAARI NIYO PO BANG ISHARE SAMIN SA, LALO NA SA TAGAPAKINIG NATIN YUNG STORY BEHIND THIS GREEN YOUR CHOICE, GREEN YOUR LIFESTYLE ADVOCACY.

JAYSON: YUNG KASI PRE-PRODUCTION PARANG NGSCHEDULE NA AKO NA MAGSHU-SHOOT AKO KASO LGI SIYANG NACACANCEL DAHIL SA ULAN PRANG MAGLI-LEAVE AKO SA TRABAHO PARA GAWIN LANG SIYA KASO, ALAM MO YUN BUO NA PERO HINDI MATUTULOY, PERO YUNG SCRIPT NUN, ACTUALLY, HINDI SIYA TALAGA PARANG MAAYOS NA MAAYOS, PUMUNTA KO DITO SA SCHOOL PARANG NI-REMINISCE KO LANG KUNG ANONG MGA PRACTICES NA GINAGAWA KO TO HELP MY ENVIRONMENT, LIKE DUN SA ISANG VIDEO NASA, PUPUNTA LANG DAPAT KAMI SA CANTEEN AND THEN ANG SABI KO PARANG, PARANG MERONG SOMETHING DITO CANTEEN NA PARANG PWEDE KANG MAKATULONG, SO DUN KO NILABAS YUNG REUSABLE BOTTLE WATER KO, AND THEN ANO NAGTATAGO DIN KASI AKO NG MGA PAPER BAGS AYUN SO SHINOOT KO NA YUN DUN SA MAY CANTEEN, TAPOS LAGI AKONG MAY DALANG ANO ECO BAGS SA BAG KO.

HARLENE: SO NOONG COLLEGE KA TALAGA SIR JAYSON TALAGANG NAKAUGALIAN MO NA YAN?

JAYSON: OO, LAGI AKONG NAGDADALA NG MGA GANUN, MGA GANOONG BAGAY, HINDI KO ALAM DIN NA NAKAKATULONG SIYA SA ENVIRONMENT, PERO DAHIL DIN SIGURO SA CURRICULUM NG LA SALLE LIKE YUNG PROMOTION NG GREEN LIFESTYLE, SIGURO NA NA-INVIBE KO NA SIYA IN A NATURAL WAY.

HARLENE: NAISA-BUHAY MO NARIN.

JAYSON: OO, IN A NATURAL WAY, SO HINDI KO ALAM NA NATUTUTO NA AKO NG GREEN LIFESTYLE.

HARLENE: PERO BAGO NGA YAN SIR JAYSON, BIGYAN MUNA LANG NATIN SILA NG PAHAPYAW NA KWENTO SA MGA TAGAPAKINIG NA SABI MO NGA PO NOON AY NANALO KA AS SECOND PLACE SA INTERNATIONAL STUDENT CONFERENCE ON ENVIRONMENT AND SUSTAINABILITY. SO SIR JAYSON ANO PO BA ITO DITO PO BA NAGSISIMULA LAHAT YUNG PAGKAKAROON MO NGA NANG ADVOCACY REGARDING THIS GREEN YOUR CHOICE, GREEN YOUR LIFESTYLE?

JAYSON: OO, KASI NAGBASA-BASA AKO ABOUT GREEN LIFESTYLE, KASI NGA NANINIWALA AKO NA YUNG LIFESTYLE NATIN YUNG ISANG CAUSE KUNG BAKIT NAGIGING, BAKIT MERONG ENVIRONMENT AND THEN YUNG MGA CHALLENGES WHEN IT COMES TO CLIMATE CHANGE, SO GUMAWA KO NG MGA, GUMAWA AKO NG CONCEPT NA, TATLO YUN EH, YUNG ISA NGA RUN EH YUNG GREEN YOUR CHOICE, GREEN YOUR LIFESTYLE AND THEN PINOST KO SIYA SA FB, NGPFEEDBACK AKO SA MGA FRIENDS KO AND THEN MERONG ISA DUN NA PARNG TUMATAK SAMIN NA BROADCAST, AHH JOURNALISM GRADUATE SIYA FROM UST, NA INEXPLAIN NIYA SA AKIN NA MS OK YUNG GREEN YOUR CHOICE, GREEN YOUR LIFESTYLE, KASI MAS APPEALING SIYA SA EARS AND THEN YUNG CONCEPT KASI KAPAG AHH, PUMILI KA NG MABUTING CHOICE, MAS MABUTI YUNG LIFESTYLE NA MAGIGING CONSEQUENCE NUN, SO DOON NAG-BASE, HINDI KO RIN SIYA PINRESENT THE WAY NA PARANG DECLARATIVE SIYA, ITO, ITO DAPAT ANG GAWIN NIYO, SO YUNG VIDEO KO PINAKITA KO LANG KUNG MGA PRACTICES KO EASY TO DO, EVERY DAY PRACTICES NA MAKAKATULONG SA ENVIRONMENT, AND THEN DOON SA HULI NG VIDEO PARANG BINIGYAN KO KAYO NG CHOICE TO CREATE YOUR OWN VERSION OF GREEN LIFESTYLE, YUN YUN, KAPAG IA-ANALYZE MO YUNG VIDEO.

HARLENE: SO SIR, MG GAANO NIYO KATAGAL PINAGHANDAAN TONG COMPETITION NA ITO AND AS A WHOLE DUN SA VIDEO?

JAYSON: ANO, TWO DAYS LANG (CHUCKLES)

HARLENE: AHH TWO DAYS LANG TALAGA SIR.

JAYSON: NATATAWA AKO KASI ANO, HINDI TALAGA AKO, NOONG UMPISA, HINDI AKO PART NG ENVIRONMENT ORGANIZATION SO PARANG FEELING KO, HINDI AKO GANUN KA-COMPETENT GUMAWA NG VIDEO, KASI HINDI AKO ENVIRONMENT, KASI BASED DUN SA PREVIOUS ENTRIES KASI PARANG ENGINEER SILA, ENVIRONMENTALIST SILA SO PARANG MERON NA SILANG PLATFORM, ITO NA YUNG MGA IVI-VIDEO NILA LIKE YUNG TREE PLANTING ACTIVITIES NA GINAGAW NILA SA GHANA, ITONG RENEWABLE ENERGY NA GINAGAWA NILA SA TUNISIA AND THEN ITONG SI NEPAL, PARANG BLOGGER SIYA NA NAKIKIPAG-ENGAGE SA COMMUNITY LEADER, SO MERON NA SILANG PLATFORM, ANONG MAIBABAHAGI KO SAINYO? SO YUN INISIP KO LANG DIN NA …..

 

FROM 40:01-45:00

 

JAYSON: NA HINDI MO KAILANGANG MAGING PART NG ENVIRONMENT ORGANIZATION PARA MAKATULONG SA ENVIRONMENT. PWEDE MO SIYANG SIMULANT SA SARILI MO.

HARLENE: AYUN

JAYSON: SO DUN NAGSIMULA YON NA PARANG LET US START A CHANGE WE WANT TO SEE FROM LASALLIAN PRAYER. SO DUN KO TALAGA SIYA SINIMULAN, YUN YUNG INSPIRATION KO AND THEN KUMUHA DIN AKO NG ILANG INSPIRATION SA…AH DLSUD SA PAG-PROMOTE NILA NG GREEN LIFESTYLE, SO YUN NGA PINAG-COMBINE KO LANG SIYA AND THEN YON.

HARLENE: SO SIR JAYSON SAAN KA BANDA NG VIDEO, AS AWHOLE NUNG CONCEPT MAS NAHIRAPAN KA SA PAGSASAGAWA NG LAHAT NG YON?

JAYSON: SA MGA PRACTICES, HINDI SIYA EXPLICIT SAKIN EH. HINDI SIYA DIRECT NA, ETO YUNG PAGGAMIT NG REUSABLE WATER BOTTLE, DI SIYA NAKAKATULONG SA ENVIRONMENT SO, DUN PALANG SA PRACTICES DUN AKO MISMO NAHIRAPAN.

HARLENE: SA MISMONG PRACTICES SIR?

JAYSON: OO

HARLENE: AYUN SIR PANO MO PO BA MAHIHIKAYAT ANG IBA PANG TAO DITO SA JOURNEY NG “GREEN YOUR CHOICE, GREEN YOUR LIFESTYLE”

JAYSON: UHM GUSTO KO LANG DIN MUNA PASALAMATAN YUNG DLSUD KASI NAGPROMOTE TALAGA SILA NG SOBRA-SOBRA, SUPER. LIKE EVERY AH PAGES NG LASALLE NANDUN MAKIKITA KO YUNG SARILI KO ANDUN AKO AND THEN NAKATULONG DIN SIYA PARA KUMALAT PARA MADAMI YUNG VIEWS SO SIGURO NA LANG, GUMAWA NA LANG TAYO NG PROJECT OR BAWAT ESTUDYANTE NA MAG-CREATE SILA NG GREEN LIFESTYLE NILA PARA DIN KASI ALAM MO YUN KAPAG COLLECTIVELY, BAWAT ISA SA ATIN TUMUTULONG SA ENVIRONMENT MALAKING IMPACT KASI YON EH.

HARLENE: YES

JAYSON: SO PARANG DI MO KAILANGAN TALAGA MAGING PART NG ORGANIZATION PERO DI KO NAMAN DIN HINIHIKAYAT NA WAG MAGING PART PERO AH KAPAG GUMAWA KA NG MAGANDANG DECISION SA BUHAY MO, MAS MAGIGING MAGANDA YUNG KAKALABASAN. LIKE FOR EXAMPLE YUNG, TRASH CANS NATIN DAPAT ALAM MO KUNG SAAN MO DAPAT ITATAPON YUNG BASURA MO, ALAM MO DAPAT KUNG ANO YUNG MEANING NUNG TATLONG COLORS NA YON. IT’S A MATTER OF CHOICE

HARLENE: YES. SIR KUNG SABIHIN MAN NATIN NA MANALO KA AT IKE-CLAIM NATIN YAN SIR JAYSON NA MANANALO KA. PAANO MO PA PO MAIPAPAKALAT ANG ADVOCACY MO AFTER THE COMPETITION?

JAYSON: UHM GUMAGAWA NA AKO NGAYON NG FACEBOOK PAGE TAPOS NAGHAHANAP NA DIN AKO NG PLATFORM FOR BLOGGING

HARLENE: ALRIGHT

JAYSON: AND THEN NAGCOCONTRIBUTE NA DIN AKO SA IBA’T –IBANG WEB BLOGS AND MERON NA AKO SA DEFINITELY FILIPINO AND THEN NAKATULONG DIN YUNG SA ‘WHEN IN MANILA’ AND ALAM MO BA KASI TALAGA FIRST, WHEN IN MANILA LANG TALAGA YUNG SUMU-SUPPORT SAKIN

HARLENE: ALRIGHT PARANG SILA PA LANG YUNG NAKAKA-RECOGNIZE SIR

JAYSON: OO AND THEN YUNG ISA AYON KINAUSAP KO YUNG FRIEND KO SA INQUIRER NILAPIT KO YUNG NEWS KO AY YUNG INFORMATION AND THEN PUMAYAG SIYA THEN FROM INQUIRER KUMALAT NA SIYA AND DUN NA PINAKALAT NG LA SALLE NUNG NAKITA NILA.

HARLENE: OH AT LEAST SIR SA MGA NAG-SHARE NG VIDEO NIYO

JAYSON: YES THANK YOU

HARLENE: AT SIR HINDI LANG NAMAN PO AKO ANG MAY KATANUNGAN SAYO AT NALAMAN NAMING NA MADAMI DIN PALANG GUSTING MAGTANONG SA INYO REGARDING SA INYO AS INDIVIDUAL AT SA MGA NAGING ACHIEVEMENTS MO NGA PO. SO AYAN SA PUNTO NGA PONG ITO PAKIKINGGAN NATIN ANG ILANG PANG MGA KATANUNGAN PARA SA ATING PANAUHIN SA HAPON NA ITO NA SI SIR JAYSON VILLAGOMEZ. SO APARA SA ATING UNANG QUESTION..

MOTS: HELLO JAYSON THIS IS ED JUAREZ(?) ANG TANONG KO, ANO PWEDE NATING GAWIN PARA MAIPAUNAWA SA MGA KABATAAN NA MAHALAGA ANG PARTISIPASYON NILA SA PAGKALINGA SA KALIKASAN. SALAMAT.

HARLENE: AYAN, MARAMING SALAMT DIN PO SA INYO SIR ED JUAREZ NA TALAGA NAMANG WITH CONVICTION EVERY WORD. SO AYUN SIR JAYSON PAANO DAW PO?

JAYSON: UHM FIRST MALAKI KASI YUNG ROLE NG KABATAAN LIKE SA UNITED NATIONS. MOSTLY NG PROJECT NILA UHM THEY’RE EYEING FOR THE YOUTH KASI NGA YUNG SUCCESS NG PROJECTS NILA AND THEN SILA KASI TALAGA DAPAT YUNG MAINSPIRE KASI SILA YUNG TAGA-SUPPORT SA PROJECTS NG MGA..DIBA?

HARLENE: YES

JAYSON: SO SA AKIN LANG, PWEDE MONG..PWEDE KANG GUMAWA NG MGA MAGANDANG CHOICES MO SA BUHAY LIKE YUNG PAGTAPON MO NG BASURA MO SA TAMANG TAPUNAN, PAGDALA MO NGA UHM SHOPPING BAGS INSTEAD NA PAGGAMIT NG PLASTICS. DUN PA LANG SA SIMPLENG PARAAN NA YON MAKAKATULONG KA NA SA ENVIRONMENT.

HARLENE: HMM (AGREEING)

 

HARLENE: NGAYON, SA PANAHON NGAYON MAY FACEBOOK NA SO MARAMING MGA CLIMATE CHANGE PAGES NA PWEDE MONG IFOLLOW AND THEN MARAMING MGAPRACTICES NA SHINASHARE NILA KUNG PAANO MO, PAANO KA MAKAKATULONG SA ENVIRONMENT. LIKE SI ROB GREENFIELD, RIGHT NOW PARANG MAYROON SIYANG PUBLIC AWARENESS ACTION NA PARANG DINADALA NIYA LAHAT NG MGA BASURA NIYA SA KATAWAN NIYA SO MAY PLASTIC BAGS SIYA

JAYSON: AYUN

HARLENE: SO IT’S ONE WAY OF PROMOTING OR MAKING A PUBLIC AWARENESS ABOUT WHAT YOU CAN DO TO HELP THE ENVIRONMENT

JAYSON: AYUN, SO PARA NAMAN SA ATING SECOND QUESTION

MOTS: AKO PO SI SAM ESTAFIA OF COM33 TANONG KO PO AY GAANO PO BA NAKAKATULONG SAINYO ANG MGA NATUTUNAN NYO SA LA SALLE UPANG MAKAGAWA NG INYONG VIDEO PARA SA NASABING KOMPETISYON? MARAMING SALAMAT PO

HARLENE: AYAN, SO AYUN NGA PO ANG ATING SECOND QUESTION, SO PAANO MO MAADRESS YUN SIR JAYSON?

JAYSON: ANO YUNG QUESTION?

HARLENE: YUNG QUESTION NATIN IS FROM SAM ESTAFIA NG COM33, AYON SA KANYA GAANO PO BA NAKATULONG SAINYO YUNG NATUTUNAN  SA LA SALLE PARA MAGAWA YUNG VIDEO NIYO FOR UNFCCC

JAYSON: SIGURO DUN SA MAY PROMOTION NG ANO NG LA SALLE FOR GREEN LIFESTYLE AND THEN YUNG MISMNG CURRICULUM. KASI ALAM MO YUN DUN PA LANG SA ELGA BASED CURRICULUM PARANG PART NA NG CURRICULUM NG LA SALLE NA TUMULONG SA ENVIRONMENT KASI THE LA SALLE SCHOOL IS PROMOTING OR ENCOURAGING LASALLIAN STUDENTS TO BE ENVIRONMENTALLY CONSCIOUS SO DUN KO SIGURO NAKUHA KUNG KUNG BAKIT NAGING MAGANDA YUNG PRACTICES NA NILAGAY SA VIDEO.

HARLENE: AND NAKAKATUWA SIR JAYSON KASI YOU DID THAT HINDI DAHIL GUSTO MO LANG MAGPASIKAT OR FOR PUBLICITY BUT GINAWA MO YUN KASI YUN TALAGA YUNG ISINASABUHAY MO

SO PARA NAMAN SA ATING THIRD QUESTION SIR JAYSON, BABASAHIN KO NALANG SIR HA, HI I’M MIKO ROLYUKE I WOULD LIKE TO ASK WHAT IS THE WORST SCENARIO NA MANGYAYARI PO IF WE DON’T PREVENT CLIMATE CHANGE FROM HAPPENING AND ANO PO ANG MAGIGING EPEKTO NITO SA ATING HUMANS, ANIMALS AND MOST ESPECIALLY OUR ENVIRONMENT?

JAYSON: UM DUN PA LANG SA PARS AGREEMENT, PARA KASING MERON SILANG AGREEMENT NA LAHAT NG COUNTRIES MORE THAN 100 COUNTRIES MAGTATAKE SILA NG INITIATIVE PARA MALESSEN OR MASTOP YUNG PAGRISE NG TEMPERATURE NG 2 DEGREES CELSIUS KASI KAPAG NATULOY SIYA, MALAKI YUNG EFFECTS NIYA LIKE PROLONGED EL NINO OR AND THEN FREQUENT LA NINA SO DITTO PA LANG SA PHIIPPINES, YUNG PWESTO NATIN NASA WESTERN PACIFIC TAYO SO NAGIGING MAS MARAMI YUNG TROPICAL CYCLONES NA NAGLALANDFALL SA BANSA NATIN. BEFORE 8, NGAYON NAGHIHIT TAYO SA 10 OR 11 SO IF WE DON’T WANT TO EXPERIENCE YOLANDA WE HAVE TO MAKE A STAND NOW ABOUT CLIMATE CHANGE

PARANG NAGING WARNING NA NGA YUN SIR YUNG YOLANDA, AND POSSIBLE NA KUNG HINDI PA TAYO UMAKSYON EH DUMAMI PA YUNG YOLANDA NA DUMATIN

HARLENE: AT YAN, ETO NA NGA ANG PINAKAINAABANGAN NA SEGMENT SA 1ON1 USAPAN ANG FAST TALK SO DITTO PO AY BIBIGYAN NAMING KAYO NG DALAWANG OPTIONS AT KAILANGAN NYONG PUMILI NG MABILIS KUNG ALIN DUON ANG INYONG ISASAGOT, MABILIS LANG ITO SIR JAYSON

JAYSON: KAILANGAN KO BANG MAGEXPLAIN?

HARLENE: NO, SIR, YES PIPILI LANG KAYO SIR, PARANG BOY ABUNDA FAST TALK LANG ITO SIR JAYSON, READY NA BA KAYO SIR JAYSON?

JAYSON: READY

HARLENE: AYAN OUR TIME STARTS NOW. DAGAT O BUNDOK?

JAYSON: DAGAT

HARLENE: CHOCOLATE OR CAKE?

JAYSON: CHOCOLATE

HARLENE: PASSION OR LOVE?

JAYSON: LOVE

HARLENE: RADIO O TV?

JAYSON: TV

HARLENE: YESTERDAY O TOMORROW?

JAYSON: TOMORROW

HARLENE: BLACK OR GREEN?

JAYSON: GREEN

HARLENE: BIKING OR WALKING?

JAYSON: WALKING

HARLENE: SWEET OR SPICY?

JAYSON: SWEET

HARLENE: WORK OR VACATION?

JAYSON: VACATION

HARLENE: SKINNY OR CHUBBY?

JAYSON: SKINNY

HARLENE: PRINT OR BROADCAST?

JAYSON: PRINT

HARLENE: MORNING OR NIGHT?

JAYSON: MORNING

HARLENE: UNDO OR REDO?

JAYSON: REDO

HARLENE: FRUITS OR VEGETABLES?

JAYSON: VEGETABLES

HARLENE: TREE PLANTING OR FUND RAISING ACTIVITIES?

JAYSON: TREE PLANTING

HARLENE: AYAAAN, SO THANK YOU SO MUCH CHER, SIR–, THANK YOU SO MUCH SIR JAYSON AND YOU’VE PASSED THE TEST. PALAKPAKAN NAMAN SI SIR JAYSON. AYAN, FOR LAST NA KATANUNGAN NA NAMIN SIR. ANO NG ABA ANG PINAKA-K—KINAKATAKUTAN NG ISANG JAYSON VILLAGOMEZ AS A WHOLE NA SIR?

JAYSON: NGAYON, YUNG HINDI KO MAMEET YUNG GOALS KO KASI AKO YUNG ISANG TAO, NAGSE-SET AKO NG GOALS LIKE FOR THREE YEARS FROM NOW, ITO YUNG MA-AACHIEVE KO. THEN FROM FIVE YEARS FROM NOW, ITO NA DAPAT AKO. SO MEDYO NGAYON NAG-KA-CATCH UP AKO KASI MEDYO NA-NA-NAHUHULI AKO DUN SA MAIN GOAL KO. LIKE FOR EXAMPLE, KAILANGAN KO MATAPOS YUNG MASTER’S KO IN TWO YEARS, BEFORE DAPAT NG THIRTY NAGSTART NA DAPAT AKO NG PHD. SO GANUN, GANUNG MGA– GANUNG KLASENG TAO AKO, NAGSE-SET AKO NG GOALS. KAYA YUN YUNG CHALLENGE OR CHALLENGE HIND—KINAKAHARAP KO NGAYON.

HARLENE: SO BAGO TAYO MAGTAPOS, SIR JAYSON. IBINAHAGI MO RIN PO SA AMIN NA FIVE YEARS FROM NOW, HOPEFULLY, TAPOS KA NA SA GRADUATE STUDIES MO AT GUSTO MO PONG MAGING PROFESSOR DITO. SO, SIR JAYSON, PWEDE MO BANG MAIBAHAGI SA AMIN, BAKIT GUSTO MO PONG MAGTURO?

JAYSON: IT’S ONE WAY OF GIVING BACK KASI NAGING, ALAM MO YUN, MAGANDA KASI YUNG NAGING TREAT SA AKIN NG LA SALLE. THEY PROVIDED ME SCHOLARSHIP, YUNG EXPERIENCES KO DITO NAGING MAGANDA, SO IT’S ONE WAY OF GIVING BACK TO THEM AND THEN SHARING MY KNOWLEDGE FROM MY WORK EXPERIENCE AND THEN AYUN. I-SHE-SHARE KO LANG SA—SA MGA LASALYANO KUNG ANO YUNG MGA NATUTUNAN KO.

HARLENE: AYUUN. AT AYUN NAMAN SIR ANG PINAKAMAHALAGA SA LAHAT. NA MARUNONG TAYONG MAG-SHARE AND MARUNONG TAYONG MAIBAHAGI NGA KUNG ANO YUNG MGA NALAMAN NATIN. MHMM. SO, SIR JAYSON, ANO NGA BA ANG MOTTO NG ISANG JAYSON VILLAGOMEZ?

JAYSON: HALAA, ANG HIRAP NIYAN. WALA TALAGA AKONG MOTTO. YAN YUNG— YAN YUNG WEAKNESS KO. KASI ANG DAMI KONG, ALAM MO YUNG SINASABUHAY. PERO ANG GUSTO KO LANG DEN, I-SHARE SA INYO, LIKE, UH, PINIPILI NATIN YUNG MGA CHOICES NATIN; PAG PUMILI TAYO NG CHOICES, DAPAT PINIPI—ALAM DIN NATIN YUNG CONSEQUENCES NG MGA CHOICES NATIN. SO, IN LINE YUN DUN SA ‘GREEN YOUR CHOICE, GREEN YOUR LIFESTYLE’.

HARLENE: YES. AYUN, SIR JAYSON, HULING KATANUNGAN NA LAMANG PO. ANO ANG MENSAHE NIYO BASE NGA PO SA INYONG NAGING KARANASAN, SA MGA MAG-AARAL LALO NA NGA PO SA TAGAPAKINIG NATIN NGAYON?

JAYSON: UHM, DO YOUR BEST. KAILANGAN LAHAT DAPAT NG GINAGAWA NIYO, IBIGAY NIYO, KASI HINDI MAHIRAP KAPAG MAGSISISI KA SA HULI KASI ALAM MO YUN, PARANG ANG DAMI MONG REGRETS WHAT IF, WHAT IF. SO DUN SA EXPERIENCE KO AS A COLLEGE STUDENT, MARAMI DIN AKONG ‘WHAT IFS’ SO NGAYON, PARANG GINIGIVE KO NA LAHAT NG BEST KO. KAYA SIGURO DIN NAPAPASALI AKO SA MGA CONFERENCES KASI NGA ONE HUNDRED PERCENT BEST YUNG BINIBIGAY KO PALAGI AFTER THAT EXPERIENCE.

HARLENE: SO, MARAMING MARAMING SALAMAT PO, SIR JAYSON VILLAGOMEZ. SA PAG-TANGGAP NG AMING IMBITASYON. SIR, MERON KA PO BANG NAIS PASALAMATAN?

JAYSON: UHM, MAG-TE-THANK LANG–  MAGTE-THANK YOU LANG AKO SA LAHAT NG SUMO-SUMOPORTA, NAG-VIEW, NAG-SHARE NG VIDEO KO ABOUT ‘GREEN YOUR CHOICE, GREEN YOUR LIFESTYLE’. AND THEN, SA MGA HINDI PA NAKAKAPANOOD, PWEDE NIYO PARIN SIYANG PANOORIN SA TV INSPIRING CHANGE SA YOUTUBE. SEARCH NIYO LANG ANG ‘GREEN YOUR CHOICE, GREEN YOUR LIFESTYLE’.

HARLENE: AYAN, SIR, SO GOOD LUCK SIR SA INYONG LABAN IN THE UNFCCC AND WE PROMISE NA MASUSUPORTAHAN PO NAMIN KAYO IN THE COMING DAYS. ONCE AGAIN, THAT’S SIR JAYSON VILLAGOMEZ. MARAMING MARAMING SALAMAT PO SIR. AYAN, MARAMING SALAMAT PO SA ISANG ORAS NIYONG PAKIKINIG SA AMING PROGRAMA. PARA LAGING UPDATED SA MGA KAGANAPAN SA LOOB AT LABAS NG CAMPUS, BISITAHIN LAMANG PO ANG AMING FACEBOOK PAGE SA TRIPLE DOBOLYU DOT FACEBOOK DOT COM SLASH 9-5-9 GREEN F-M. SUNDAN DIN KAMI SA AMING TWITTER AT INSTAGRAM ACCOUNTS. ISA NA NAMANG KWENTO NG TAGUMPAY AT PAGSISIKAP ANG ATING NARINIG KILALANIN NATIN ANG KWENTO NG MGA SIKAT, ALAMIN ANG KANILANG STORYA NG BUHAY AT TAGUMPAY AKO PO SI HARLENE DELGADO AT ITO  PO ANG ONE ON ONE USAPAN! DITO LANG SA NINETY FIVE POINT NINE GREEN F-M! MAGANDANG ARAW PO.

—END OF INTERVIEW—

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s