‘Miss Green La Salle’ 2016 on One on One Usapan

ONE-ON-ONE USAPAN

AIRDATE: NOVEMBER 23, 2016

TRANSCRIPTION

————————————————————————

JA (Jericho Aguiatan): Magandang hapon po sa lahat ng nakikinig sa 95.9 green FM, sa ngalan ni Harlene Delgado, Ako po si Jericho Aguitan. Ayan, at ito ang 1 on 1 Usapan! Ayan, bago natin simulan ang ating episode ngayong araw na ito. Hello muna sa ating mga kapwa lasalyano na nag eenjoy sa Students’ week alam naman nating napakahaba nito ay maikli lang kasi 1 week pero fun activities, lahat lahat pero siyempre. Kumusta naman yung mga nakatambay at kumakain din sa bazaar nag-eenjoy ba kayo o iniisip niyo yung final requirements niyo. Bahala kayo diyan, nako apat na linggo nalang matatapas na ang semester na ito at siyempre wag kayo mag alala dahil sagot na namin ang kwentuhan diba, saamin na yon, kami na ang aabono niyan at sigurado akong hindi niyo ito ika-boboring, nakaktuwa, napaka-gwapo at napaka-gaganda ng guest natin ngayon kaya abang-abangan niyo yan. Hindi lamang magpapangiti o magpapakilig sa inyo kundi kwentuhan ding mag bibigay sa inyo ng inspirasyon mas magaan ang usapan, mas 1 on 1 ang kwentuhan. Mga kwento ng tagumpay at pag-sisikap mula sa mga kilalang indibidwal sa loob at labas ng campus, muli ako po si Jericho Aguitan at to ang 1 on 1 usapan!

JA: Ayan ang ating panauhin,sa araw na ito ay isang fifth year student galing sa College of… ay third year pala ano, sorry medyo na-ano ako excite. Third year student from the College of Business Administration and Accountancy ng DLSUD at bahagi siya ng ABSSOC at Enactus, nakoronahan siya bilang, Ms. Green Lasalle upang lubos pa natin siyang makilala eto na! Napakaganda narito ang ating, narito siyempre isa to, maganda din tong co-host ko eh. Nakakatuwa to eh, ayan narito na ang isa ding ayan, napakaganda co-host na si Joan Stephanie Sevillano sa ating segment na sino si Juan, Stephanie? Sino si Juan?

SS (Stephanie Sevillano): Si Miss Daniella Angelica Rivera Dapitan o Danica kung tawagin ng kanyang mga kaibigan, kamag-anak o kaklase ay ipinanganak noong ikalabing anim ng Hulyo at anak ng mag-asawang Joseph Dapitan, isang OFW sa Saudi Arabia at Susan Dapitan na isa namang store owner. Lumaki siya sa Dasmarinas, Cavite, Binan, LAguna, at Eastern Samar. Mayroon din siyang isa pang kapatid, ang ating bigating panauhin ay nagtapos ng elementarya at sekondarya sa Infant Jesus Montessori Center.

JA: Ayan mga kapwa ko lasalyano, live ngayon dito sa 1 on1 usapan ang ating panauhin na si Miss Daniella Angelica Dapitan! Magandang magandang araw sayo, Miss Danica!

D: Magandang hapon din po sainyong lahat! Okay naman po sobrang nakakatuwa na andito ako sa segment na to ngayon. Thank you sa pag-imbita niyo sa akin.

JA: Ayan welcome sa 1 on 1 usapan miss, Danica! Nakakataba ng puso. Pero dadako na din tayo, ano ba yung pinag-kakaabalahan mo ngayong students’ week?

DD: Uhm, uma-attend ng mga events, mga seminar ganun, tapos tumatambay din sa bazaar yun.

JA: Usually yan ang ginagawa ng isang.. Pero simulan na natin ang ating kwentuhan no mula sa iyong pagkabata, miss Danica. Maaari mo bang i-relate sa amin o ibahagi mo sa amin yung mga ang…yung mga karanasan noong bata ka pa dahil inilarawan mo sa ating preliminary interview na lumaki sa Laguna, taga-Laguna din ako, from Calamba. Ayan nga, tas ikaw sa Eastern Samar at Cavite. So bakit nga ba iba’t ibang lugar no, Miss Danica?

DD: Dati po kasi sa Binan po talaga ako ipinanganak tapos may nangyaring accident, yung mom ko nasaksak siya sa work tapos yun, so parang wala kaming pera ganun kaya lumipat kami sa Guian. Yung province ng mom ko. Tapos yung lola’t lola ko na yung nagpalaki sa akin don habang yung parents ko nandito sa Manila nag-tatrabaho sila so nung bata ako, nasanay ako mag isa na responsable sa sarili ko ganun ako din yung nag-aalaga sa kapatid ko non nung hindi pa siya kinukuha ng mom ko tapos nung grade 4 ako nung nakaipon na yung parents ko uhm dinala nila kami dito sa Cavite uhm nagtayo siya ng bakery tapos naging ano naman yun, naging patok, umunlad naman yung negosyo nayon so dito na kami nag stay hanggang sa nakabili na kami ng bahay tas yun, hanggang ngayon dito pa din kami.

JA: mhmm…

DD: hanggang sa nakabili na rin kami ng bahay, ta’s yun, hanggang ngayon nandito parin kami.

JA: kumusta naman yung dito sa Cavite? Nabanggit mo rin ano, kumusta naman yung naging takbo mo dito sa Cavite?

DD: okay naman. Kasi nandito narin yung mga tito, tita ko. Dito na rin sila tumira. Yun, tapos, uhm, marami na rin kaming kakilala.

JA: so anong klaseng bata si danica noon? Masiyahin ba siya? Palakaibigan? Ayan, so masiyahin? O baka naman sakto lang? Ano po ba?

DD: uhm, actually mahiyain talaga ako. Hanggang ngayon mahiyain parin ako. Pero depende naman sa kaibigan at nakakasama ko yung ugali ko…kung ano ako… like nung high school, yung mga friends ko sobrang kwela kaya yun, sobrang nahawa ako sa mga kabaliwan nila. Kaya, ganun na rin ako. Pero, ngayon, medyo, yung mga friends ko kasi seryoso sa kaya ganun, medyo naging… dalagang pilipina ulit…

JA: ayan, nakakatuwa naman, yung parang back story at yung personality mo. Pero matanong ka namin ate danica, ano po ba ang iyong childhood dream? Ayan…

DD: mmm… simple lang naman, uhm, maging successful sa buhay and gusto ko talagang mag-negosyo eh. Bata palang ako, kasi nakikita ko na sa mama ko yung sipag niya sa negosyo at kung gano siya kagaling. Kaya gusto ko rin nun. Paglaki ko, magkaroon ako ng sariling negosyo, and maging successful sa… sa negosyong yun.

JA: ayan, medyo nakakatuwa pareho tayong maisip sa negosyo, gusto ko rin magnegosyo actually eh. Sa business mag-immerse pero talaga na rin…gusto ko…maraming time diba? Eh, nakakatuwa rin na nakatagpo ako ng katulad din ng mahilig sa negosyo. So, ano naman, yung childhood mo, na-enjoy mo ba? At saka, ano yung mga paborito mong gawin? Madalas mong laruin nung bata ka?

DD: oo, na-enjoy ko nung sa… nung nasa samar ako, sobra akong pala-laro, lagi akong nasa labas nun, tapos yun, andami kong kaibigan, uhm, kahit ang itim itim ko na, sa…oo…kahit maghapon akong nasa labas. Tapos nung nandito na ako sa cavite, mom ko, masyadong strict. Kailangan matulog ka sa hapon, ganyan ganyan…

JA: the usual diba?

DD: oo, kasi anong ano ko nun eh… parang ang malnourished ko nung time na yun, nung nandito na ako. Kaya sobra akong binibigyan ng pansin nun, kailangan ano, kailangan matulog, kumain ng marami, ganun.

JA: mmhmm… yung talagang ano no? Yung talagang…katulad ko nung bata ako, kailangan matulog ka ng tanghali kundi papaluin ka sa pwet. So, ito naman, nung, nung, malaki ka na. Siyempre, lumaki-laki na rin tayo, diba, so, nag-iba ba yung pangarap mo? O constant? Naging constant ba ‘to? Kasi ako nag-iba eh. Marami, marami akong gusto sa buhay. So, i need to fix, ‘no. I need to fix yung sarili ko sa isa, pero sayo naman miss danica, ano yun? Nagbago ba?

DD: uhm, ganun parin naman. Wala… hindi nagbago. Ganun parin.

JA: yun parin? Tulad yung pag-nenegosyo hanggang ngayon kasi siyempre…

DD: opo…

JA: …ipagpapatuloy mo. So nabanggit mo na rin ‘no, na gusto mong tumbukin yung pagnenegosyo, pero ano partikular?

DD: uhm, food. Uhm, like grocery, ganun…

JA: AHH, OKAY…

DD: ganun yung gusto ko kasi uhm, wala siyang pinipiling customer. Lahat, lahat naman siguro need ng mga grocery items, yung mga everyday needs natin dun natin makikita, kaya yun yung gusto ko talagang pagnenegosyo.

JA: mhmm, nakakatuwa. So, na, ah, naibahagi mo din sa amin, na-share mo din sa amin yung may isa ka pang kapatid diba?

DD: opo.

JA: nai-share mo sa amin. So, kumusta naman yung relationship mo dun sa kapatid mo habang lumalaki kayo? At saka, may nagbago ba nung malalaki na kayo? Siyempre, andami ano yun diba, andaming factors to consider. Pero sa ano naman… ano yun?

DD: lalaki kasi yung kapatid ko. Nung ano kami, bata pa kami, sobrang close namin. Kasi, kami lang yung magkapatid, tapos uhm, kami lang yung magkasama.

DD: nagkahiwalay na kami, nung sya nandito sa cavite, ako nandon. Yun parang nahiwalay rin yung ano yung..

JA: oo parang may gap

DD: yes ganon

JA: oh diba

DD: tapos ngayon lalo na ngayong malaki na kami, parang di kami gaanong naguusap tapos ang layo ng ano namin eh ng interest namin

JA: ahhh

DD: kasi sya, lagi lang naka nasa computer, laging naglalaro ng computer games. Tapos ako naman, karaniwan nag aaral ganon lang

JA: medyo lumayo no?

DD: opo

JA: medyo nawala kayong interest no nung nagkahiwalay na. Pero naman syemre uhm an, gusto mo ba ikaw din yung mag adjust? Follow up ko lang din yun. Gusto mo ikaw yung mag adjust or ano, sis ano ba gusto mo din ba na, di plano mo naman, diba na mapalapit lalo sa kapatid mo gusto mo ba na maging, maging gamer din ika nga diba *laughs* kasi lalaki eh, diba.

DD: opo

JA: oh so, syempre normal yung mga ganyang bagay bagay sa magkakapatid which is ano talaga uhm sa pagdaan ng panahon diba, dere derecho yan, maraming ah  kelangan ah ke kelangang marunong umintidi, umunawa. Mararanasan mo yan. Ikaw paano ka magpasensya sa kapatid mo noon?

DD: uhm, di naman kami gaanong nag aaway nun eh, kaya, atsaka sinasabi ng mom ko na ikaw ang mas matanda kelangan mong unawain kapatid mo, kaya yun, ako na lang yung nagpaparaya.

JA: pag papalaya *laughs* pero nag nagkakasundo ba kayo ng kapatid nyo noon?

DD: oo, lagi kaming nag kkwentuhan nun eh, atsaka madalasnaglalaro, nung dati naglalaro rin ako ng mga computer games pero ngayon hindi na kasi lumabo yung mata ko dahil dun.

JA: hashtag daming time kapag naglalaro ka pa ng games ngayon no?

*both laughs*

JA: ang dami mong panahon para gawin yung mga ganyan.

DD: true

JA: pero dun tayo sa shempre downside shempre lahat naman may pinagdadaanan. Kami itong focus ko may kapatid, ako may kapatid. Actually lahat tayo diba may kapatid.  So ito yung isa sa mga ano eh uhm downside eh na ano yung pinaka mabigat na pinagawayan nyo magkapatid?

DD: uhm wala naman akong maalala na pinagawayan namin na mabigat talaga. Uhm wala, hindi kami nag aaway ng malala na ganun.

JA: medyo ano lang talaga eh kailangang umunawa eh. Yun yung isa magandang insight din yan para sa ating mga tagapa, tagapakinig na may kapatid ngayong millenials, kasi shempre iba na ang takbo ng utak ng bata ngayon, ng henerasyon nila, iba, iba talaga. At mapapansin mo kailangang ikaw na yung mag adjust, kelangan, iba na yung parenting style dito, ib, iba na yung disiplina ngayon eh, no. So eto naman yung uhm kasama ba ninyo yung halimbawa nagkaroon kayo ng mga minor conflict. Minor na parang major para sayo, ganyan. Paano yun, paano mo inaayos yung ah mom or dad mo diba tsaka may mga ano ba mga lessons ka din na natutunan within that area na sa pagpapasensya mo ano yung isa sa mga natutuhan mo doon

DD: uhm, karaniwan sa mga bagay, nagaaway kami sa isang bagay. Ang lesson ko don parang give and take parang ganun.

JA: oo

DD: uhm halimbawa yung kapatid ko muna ngayon ang gagamit nung halimbawa computer tapos kinabukasan ako naman.  Para

JA: ahh salitan

DD: opo. Para less yung away atsaka para maging okay yung relationship namin parang ganun.

JA: so eto na nga, naibahagi mo din saamin na ako, bilang ano, eto rin ah nakakatuwa din itong part na to na makaka relate kayong lahat mga tagapa, tagapakinig natin, yung iba dito sa atin lalo na yung aking co-host, dahil nga na nabahagi mo din na of, na isang ofw ang iyong daddy, okay so uhm sa saudi no, ah kamusta naman yung relationship nyong dalawang mag ama. So yung sa unang instance ba nahirapan ka din?

DD: oo naman nung una, uhm lalo na’t bata pa ako nung umalis sya, so, so parang m masakit pag umaa- pag nakikita ko syang umaalis. Lalo na noon, iyak ako ng iyak ganun. Pero ngayon uhm tanggap ko na at saka alam ko na yung dahilan at para naman sa amin yun eh para makapag aral kami ng maayos sa magandang  eskwelahan kaya yun tanggapin na lang natin kasi para rin naman sa kabutihan natin kaya nagtatarabaho ng maaayos ang  mga magulang natin kahit na nahihirapan sila kahit na malayo, malayo sila satin.

15:01-20:00

JA: noong bata kasi ako naalala ko noon e pumasok pa ako sa centennial sa NAIA, umiiyak ako. It’s so vivid, naalala ko yun na yung si daddy paalis tapos hinabol ko talaga sa loob hindi ako pinahintulutan ng guard hinahayaan lang ako, I can remember that as far as 4 years old ako, if my memory serves me right. Ayan mejo sa akin din e mejo masakit din na part yung umaalis pero masasanay diba? Yun yung maganda e, nasanay tayo dun sa mga bagay na pag alam natin makabubuti sa atin. Diba pa…kasi siyempre ang magulang e mahal tayo. Ayan, so nung anon a yun no, nung dun sa ano, mejo mabigat nga itong pinag usapan natin mejo pababa yung ating ano e yung ating trend no. So on the lighter side, eto naman. Eto yung mga medyo nakaka ano ng afternoon natin, nakaka gaan. So pag-uusapan natin yung high school life. At siyempre bago tayo mag tungo sa buhay kolehiyo mo, ayan e tignan muna natin yung ahh high school life natin, ayan.

Ayan simulant natin Ate Danica sa iyong high school life. Kamusta ba yung high school life mo ‘non? Ano ba fun? Kasi ako boring, promise! Aminin ko sa hindi, ang boring ng high school life ko kasi tutok ako sap ag-aaral. Pero kung gusto kong gumala mag-isa okay lang walang problema sakin. Kasi ano ako e, yung personality ko iba sa nakasanayan. Diba? Kung ikaw, osige ikaw ate ano ba, ikaw na lang?

DD: Ako sobrang saya. Uhm…like puro kami kabaliwan, ganun. Parang dun ko, nung high school ako parang dun ko naramdaman yung pagiging bata kasi alam mo yun kahit 4th year ka na nag lalaro kayo sa classroom. Yung Marco Polo pa nga mga ganun kahit walang time e oo. Li…basta super saya naming nun lalo yung mga naka blind fold na laro. Tapos nung high school ko din na develop yung pagiging competitive ko lalo sa pag-aaral. Dun ko rin na develop yung pagiging grade conscious. Kaya yun, oo.

JA: Ayan. So sang-ayon ka ba na yung high school mo ang pinaka, uhm…isa sa mga pinaka masasaya mong yugto? Do you consider that?

DD: Yes. Yun, yun yung pinaka masayang, uhm…ahhh…part ng life ko sa pag-aaral. Ayun.

JA: Kasi nung high school ako nakita ko yung iba’t ibang klase ng tao. Ewan ko ba’t ganun ako ka ano. Ang seryoso ko nung high shool, ngayong college gusto ko lang humayahay sa buhay di ko alam kung bakit e pero ang daming time ko ngayon e. Like high school ako subsob ako kasi yung curriculum kasi mabigat. Marami akong elective na Math tsaka Science. Ay nako sakit sa ulo, pero ayan na nga. Ano yung pinaka memorable mong experience nung high school ka?

DD: Marami like uhm… pag kasama yung friends, uhm…sobrang, puro lang kami tawanan, puro trip, ganyan-ganyan. Like after ng exam, major exam uhm…hayahay na kami nun. Pupunta kami sa park tapos uhm…mag fu-food trip dun tapos yung mga times na pag gagala ka hindi alam ng parents mo, joke.

JA: Oo may ganyang eksena e.

DD: Oo, pero dun lang kami sa ano sa…malapit lang samin. Tapos yung bahay pa nga namin yung ano e, yung tambayan ng mga kak…ginagawang tambayan ng mga kaklase ko.

JA: Oo higa higa lang sila sa jan e *laughs*

DD: Yung tipong ano, sila na lang kukuha sa tindahan niyo ng pansit canton tapos sila mag luluto. Ganyan sila. Tapos, yun yung mga kabaliwan naming sa school. Tapos yung mga crush crush pa nun diba? Hindi naman mawawala yan sa pagiging high school e.

JA: Oo, yan din yung isa sa ano e nagpapakilig, hindi…nagbibigay kulay sa high school life mo hanggang dun na lang, hanggang sa crush na lang, hanggang titig ka na nga lang minsan diba ika nga nila. Pero, ayan kung pag uusapan natin yung kabataan ni Ate Danica e no. Dumayo naman tayo sa mga katanungan na maglalarawan sa personalidad ng ating guest ngayong hapon. So, handa ka na ba? Eto na yung mga…parang reflections of your cahr…of your personality diba? Ayan, so handa ka na ba?

DD: Handa na

JA: Parang…bawal tayo magsi…mag banggit ng show. So, eto na nga. Sabi mo sa ating preliminary interview, isa kang competitive person, katulad ng nabanggit mo kanina. Bakit?

DD: competitive person sa, sagrades. Sa pag-aaral kasi parang gusto ko lagi akong merong merit or award. Tapos gusto ko matataas ang grade ko yun yung source of happiness ko eh. Ah tapos sobrang masakit pag mababa ka ganun, pero ngayong college parang nawala na yun yung ginawa ko kasi sobrang hirap talaga lalo nung course ko yung econ kasi puro math siya, hindi ko nga alam kung bakit yun ang kinuha ko eh nadala lang nung high school kasi medyo madali siya pero ngayon super hirap.

JA: puro formula no?

DD: uhm.

JA: samin naman walang mga formula puro quality research ay grabe, yun nga, oo promise puro quality research. Pero sa essence naman nung ano mo, nung nabanggit mo naman na copmpetitive person ka, eh miss danica sa part na ‘to medyo magkakasundo kayo ng marami, ng marami sa mga nakikinig sa atin ngayon. Ah, ayon kasi sa interview mo last time, so ang favorite food mo daw ay, una, pizza, yan burger, tacos at cheesy foods. Ngayon, miss danica, syempre eto mga fatty foods to, kita mo naman ako diba, fatty foods to, ako diba aminin ko mahilig din ako dito fast food yan, masarap. Hoo. Ngayon miss danica, paano niyo napapanatiling healthy ang inyong sarili at magkaroon ng magandang katawan, which is ang hirap ibalanse kasi kung nasasarapan ka lagi sa pizza, burger paulit-ulit diba, paano yun ha, how do you maintain your healthy lifestyle amids these ah foods diba.

DD: ah. Siguro nakakatulong yung laki ng school natin feeling ko kasi ah oo lagi, ah bumababa ako sa gate one tapos ang lakad ko hanggang c-b-a-a so parang yung lakad ko na yun, parang everyday  execrcise ko na rin ganun.

JA: so nag do-dorm ka dito sa baba?

DD: ay hindi, jan lang ako nababa kasi nag-cocommute lang ako eh.

JA: ah, from?

DD:  from paliparan.

JA: um, ahh traffic din?

DD: jan sa ano.

JA: talagang ganun medyo traffic din. Okay. Eto pa, isa pa ‘to eh, parang ano din ‘to eh, parang nakakataas din ng ano, parang nakakataas ng asakit ng ulo para sakin ah, para sa matatamis na pagkain naman ayan lahat ng chocolates, diba chocolates ang   sarap diba, ano yung paborito niyong kinakain kapag stress na kayo sa work load sa school? Na matamis?

DD: ahm yun, mga chocolate kasi nakaka-help din yan sa pag-aaral eh. Ahm, pati favorite ko rin, ice cream, tapos mga ahm

JA: ice cream ahm, ano pa, ice cream ano, chocolates, ano pa?

DD: yougart yun favorite ko yun.

JA: ay yougart, sosyal. Yumo-yougart. Ay taas niyan. Kailan ba yung kain ko, yung huling kan ko ng yougart, ah yung ano eh three week ago, grabe ano ba yun, parang pang mayaman naman yung pagkain, pero anyway, *laughs* biro lang no, biro lang miss danica. Nakakatuwa kasi bibihira akong makatagpo din ng tao na ganyan na sa dami ng ginagawa, nakakakain pa ng mga matatamis minsan. Minsan kasi mga salty foods, napapansin ko puro salty, bibili ka lang ng jollibee o kaya mcdo diba. No, so dun sa mga foods na nabanggit natin kanina na masasarap diba, ano naman ang mga ayaw mo? May mga down side yan may dislike din tayo sa food. Ano yung mga ayaw mo na food?

DD:  ahm, yung mga oily, super oily, ayoko non.

JA: uhm-uhm.

DD:  ahm, pati yung, yung mga hindi masyadong malasa

JA: yung matabang.

DD:  yung mga, oo yung matabang. Ganyan medyo ayoko rin nun.

JA:  ayaw mo ng mga matatabang yung mga  pagkain na ganun, so ano ang, ah, halimbawa binigyan kita ng, nagluto ako ng nilga, halimbawa eh hindi ko masyadong natimplahan ng ano, ano ang gusto mong remedyo, anong  gusto mo ilagaya? Lagyan ng patis? Yan?

DD:  oo mahilig ako sa sawasawan.

JA: ayan.

DD:  kailangan  pag ano kakain ako ng mga ano, ng mga sinigang, ganyan lagi akong may sawasawan.

JA: ayan. Talagang ano no, talagang salty kung salty, sweet kung sweet ang pagkain. Ayan. Uhm. Ayan, ayan so, mamaya, malalaman natin, sino naman kaya ang nagpapatibok sa puso niyo, meron kaya? Saan, kailan at paano niya nakilala, yan at iba pang detalye at kwentong pag-ibig ni danica dapitan sa pagbabalik po ng one on one usapan dito lang sa ninety five point nine green f-m.

*PLUGS*

JA: ayan nagbabalik po ang one on one usapan at kasama pa rin natin dito sa studio ang ating napakagandang guest na si danica dapitan. Alright, naputol tayo sa tanong tungkol sa iyong pag-ibig kanina. Ayan, ako sa perpective ng lalaki kakaiba eh, iba yung pers-, diba sa mga lalaki iba yung perspective natin sa pag-ibig eh. Hindi tayo expressive. Diba hindi tayo, hindi tayo naghahayag masyado ng nararamdaman natin. Basta ipadaan lang sa affection, tama ba miss danica?

DD: oo.

JA: *laughs* diba? Mapapansin mo yun at babalikan natin yun. Una, mayroon bang, eto na, eto na yung mga nakakatuwang tanong. Mayroon bang nagpatibok ng puso mo ngayon?

DD: meron.

JA: ay meron. Syempre, syempre oo. Diba. Ayan, so dun sa ngayon na yan, mayroon-, nakakatuwa din ‘to eh. Balikan natin kung paano kayo nagkita, diba at gaano kayo katagal at syempre dagdag na rin natin dito yung paano nagsimula ba yung love story ninyo? Kwentuhan mo naman kami miss danica.

DD: uhm nagsimula yun nung first year college, first sem kasi magkaklase kami. So yun, parang first week pa nga lang ata nun eh, nag-chat na sya, ganyan ganyan. Nagtanong sya ng, basta mga simpleng tanong tapos hanggang sa parang inaasar, inaasar ako sa classroom namin.

JA: nako, yan talaga eh. Asahan eh.

DD: dun ko na nalaman na crush nya pala ko. Tapos yun, so naging close kami kasi lagi nya kong sinasamahan. Sobrang effort nya na kahit anlayo ng bahay niya hinahatid niya ko araw-araw. Tapos yun sobrang generous niya rin, niya rin kasi umm, nililibre niya ko tapos pati yung mga kaklase namin, yun.

JA: ayan, parang meddyo kinikilig ka ron sa… pag narereminisce mo kasi lahat diba, lahat ng napagdaanan ninyo, kikiligin karin talaga, oh ayan oh, ayan oh ah, titigan natin dyan eh. Diba totoo? Next! Ayan, so, ah… dun naman, du dun talaga sa sub (love) story niyo no talagang dun talaga yung lagi yung plot, diba… lagi nagaasaran ganyan and all. So, dumako naman tayo sa iyong college life, iwanan muna natin yung ating ano, dahil sa plerimika, ple ah, pleriminary question mo ah, question sa iyo, hindi mo nga raw gusto ang course mo… bakit? Ano po ba talaga yung gustong course ni miss danica?

DD: ang gusto kong course yung international studies, kaso umm… huli ko nang nalaman na meron pala nun sa l-p-u, atsaka dito lang talaga ko sa la sallle nagtake ng exam, kaya ayun, so yung econ nalang yung, yung choice ko sa tatlong choice na pinili ko, yung econ yung kinuha ko.

JA: ah, oo nga noh, so miss danica, hindi mo ba naisipang mag-shift? So kelan mo narealize na hindi mo pala gusto yung course?

DD: second year. Second year ko narealize nung mga sobrang bigat na mga na ng matsh, math subject. Hindi ko naisipang magshift, kase… unang-una sayang yung pera, sayang yung time, ganun. Atsaka parang ano mo narin yan e na pagnagshift ka parang di mo kaya ganun-ganun parang umm, pride? Ganun. Medyo…

JA: uhm, talagang medyo mabigat din kasi talaga, so kumusta yung buhay fifth year ngayon? Masaya o mahirap, timbangin natin, ahf… third year pala sorry, medyo nababangag narin ako noh, third year sorry po ngayon masaya ba o mahirap?

DD: mahirap. Alam yan ng mga kaklase ko, sobrang nahihirapan kaming lahat and yun more on lagi kaming nasa library ganyan

JA: u-hmm…

DD: lagi kaming nag-aa… more on aral lang talaga… puyatan ganyan

JA: yan naranasan yan ng lahat, kahit ako din noh, talagang grabe ako ngayon, tatlong oras lang ang tulog ko. So, ano yung pinakanakakastress at challenging na part ng college life noh? So miss danica ano yun, ano yung pinaka ayaw mo dito?

DD: uhm… ngayon ata e, yung ano yung… sa isang araw, mahihirap lahat ng subject mo so, kinagabihan bago yun sobrang, sobrang grabe yung preparations mo para sa, lalo na yung isang subject namin ngayon kasi, sobrang terror ng prof

JA: u-hmm…

DD: tapos, grabe talaga, kelangan paghandaan mo yun, bago ka pumasok kelangan alam mo na yung lesson, yun, yun yung mga, yun yung mahirap para sakin kasi ah, kelangan mong i-balance yung…

JA: u-hmm….

DD: kasi lahat naman yan mahirap, at lahat yan major mo. I-balance mo yung time mo, para ma- ma-aral mo lahat ng yun

JA: u-hmmm yun kasi diba, kelangan ano ka talaga eh noh, a-ah, you know your time well. Kelangan may self management ka, hindi time management, self, kasi ang time hindi naman siya pwedeng yung 4 a-m gawin mong 3 a-m, no diba, i mean ikaw mismo yung mag-aadjust, ayan so, ayan, konting recap lang tayo noh sa nalaman nating background ni miss danica dapitan, ang kanyang buhay and love life, sa course niya ngayon at syempre bukod sa akin, meron ding ilang magta, ah, ilang tao na gustong magtanong sa iyong personal na buhay, narito po pakinggan natin mula kay princess bandala.

Mots:

Princess bandala, cee21

Hi, ako po si princess bandala, drom cee21, tanong ko lang po ate danica, paano niyo po napagsasabay ang dalawang organizations mo at academics mo?

JA: ayan,

DD: uhm… hindi pa naman, hindi ako executive board sa org ko ngayon, junior officer palang naman ako, kaya umm…more on sa studies muna ako, naka-focus, pero kapag naging e-b kana, grabe kelangan mo talagang i-priority yun kasi… malaki na yung responsibility mo, uhm… nakikita ko yan sa mga, mga kaklase ko na e-b na eh, sobrang hirap talaga sila… pero…at ‘yung management nila sa self-time kaya yun nagagawa nilang i-prioritize. Sa’kin naman, dahil di pa nga masyadong mabigat yung workloads ko, mas napaproritize ko yung pag-aaral ‘yun.

JA: okay. So isa pang katanungan mula sa ating kapwa lasalyano.

(insert mots here – hobbies na ginagawa)

DD: hobbies… Ay…

JA: mmhhm.

DD: kapag wala akong ginagawa, uhm, f-b, social media, ganun. Uhm, hindi naman ako mahilig sa sports, uhm pero minsan, nakanta. ‘Yun. Uhm, kumakanta mag-isa. Isa yun sa mga hobbies ko.

JA: mmm. Ayan, so isa sa mga hobbies mo ay ganyang uri ng pagkaka-relax din no. So ano nga, ah syempre balikan lang natin ang sagot ni miss danica, noh, priority nya ang studies, and dapat responsable ka kung member ka ng isang organization. At dapat marunong din magpahinga. So kanina nga inungkat natin miss danica ang ilang personal na bagay. So ngayon naman, pag-uusapan natin ang professional life ng ating panauhin sa araw na ito. Alright, dahil aktibong estudyante ang ating panauhin sa araw na ito, dahil bahagi ng dalawang organization na ab-socc, at enactus si miss danica, paano nya nababalanse ang oras pagdating sa diba, sa mga, work, diba, sa workloads, sa, pang-araw-araw din na, uh, buhay. Ayan.

DD: uhm, sa org, kapag may pinapagawa sa iyo, gawin mo agad, kasi, para matapos mo hindi na magkasabay-sabay at hindi ka rin matambakan.

JA: m-mm.

DD: yun. Uhm, at saka kapag may meeting, syempre, umattend ka at saka, kailangan yung mga ibang gawain mo, kung meron ka mang kailangang gawin sa oras na yon, gawin mo ng mas maaga. Para maka-attend ka sa mga meeting. Ganun.

JA: so maari mo ba kaming bigyan ng kaunting impormasyon tungkol sa mga organization na kinabibilangan mo?

DD: ang ab-socc, yon, uhm, nag-leadership training na kami nung saturday. And, yun sobrang nakita ko yung, sipag ng mga e-bs namin, at saka yung mga junior officer, lahat naman sila, uhm, approachable, at saka mabait. Saka gusto nila na mapabuti nila ang aming org and yon, tulong-tulong para magawa namin ang mga duties namin para sa organization.

JA: ayan, so, ngayon naman ay last week ginanap ang pageant ng mister and miss green lasalle kung saan kinoronahan ang ating guest na si, uh, miss danica. Alright, can you give us brief background po about this pageant? Kasi, sabi mo, this is not an ordinary competition.

DD: uhm, kasi, hindi to tulad ng iba na binabase sa ganda, at saka sa kung pano ka lumakad, ganyan. More on sa advocacy to. Tinitignan kung gaano ka, ka…ano tawag dun?

JA: gaano ka ka-?

DD: kung gaano ka may-puso sa ina-advocate mo.

JA: passionate ka sa iyong pinu-push na advocacy. So dahil animal rights and protection ang advocacy ni miss danica sa pageant na ito, sa tingin mo po ba, miss danica, sa paanong paraan mo nai-isip na mas mapapangalagaan mo at ah, hindi na maabuso ang mga alagang hayop?

DD: uhm…sa pag,..ang ginagawa ko kasi, sa social media kasi do’n naman nakikita ng lahat eh, yung mga uh, animals na na- syempre ngayon, madali na lang na-vi-videohan nila kung merong mga animal cruelty na nangyayari, so, kailangan nating ipakita sa kanila na ganito yung sitwasyon ngayon, lalo na yung sa yulian festival…

JA: oo yan nga eh.

DD: para magkaroon sila ng awareness, siyempre para at um, ma-aware sila na mali ‘yung pagiging cruel natin sa animals at para hindi na rin nila gawin iyon sa mga alaga nilang hayop.

JA: okay so ayan dadako tayo sa event mismo nung nandun ka, ano yung na-feel mo nung nanalo ka bilang miss green la salle.

DD: actually hindi ko ine-expect, kasi unang una wala akong special award noon. Tsaka sinabihan ko na rin yung sarili ko na huwag ka mag-expect, masasaktan ka ganon. Gawin mo lang..

JA & DD: ang best mo

DD: kaya ayun super saya at saka ginawa namin lahat, nag effort talaga kami ng todo yung as in seven, hanggang seven na kami ng gabi dito sa school para tapusin yung sayaw, yung costume, yung lahat. Tapos nakita ko rin yung help ng mga kasamahan ko, at yung effort nila na nilaan para sa pageant na ito.

JA: bilang miss green la salle—last na ito ano—ano ang gusto mong ipayo sa mga taong gusto pumasok sa pageant ngunit kulang sa lakas ng loob ano miss danica kasi at nagaalinlangan, walang confidence ika nga.

DD: actually ako, first timer din ako first time ko lang din pumasok sa isang pageant, kaya kung kayo, nagaalinlangan kayo wala kayong confidence, um, gawin niyo lang yung best niyo, um, mag effort kayo sa mga kailangan gawin, sundin niyo. Tapos matutong ibalance yung time para rin makapagprepare, pero lahat parang may question and answer, mag prepare na, mag search tapos alamin, para magkaroon ka ng background sa sinasalihang pageant.

JA: ayan, sa puntong ito mapapakinggan natin miss daniella maririnig natin ang ilang katanungan sa ating mga panauhin ngayong hapon na ito.

*MOTS* (inaudible) hub 32, paano nabago ng adbokasiya mo ang pananaw mo sa buhay?

DD: um, nabago niya ng sobra kasi dati hindi ako gaanong aware sa mga animal cruelty na nangyayari, pero dahil sa advocacy ko na ito, nag search ako, inalam ko yung mga, animal cruelty na nangyayari sa paligid, mas naging maalam ako sa isyu na ito. Ayon, kaya malaki talaga yung natulong ng advocacy ko sa buhay ko ngayon, at sa knowledge ko sa isyung ito.

JA: ayan, so isa pang katanungan sa ating kapwa lasalyano.

*MOTS* hi, good afternoon miss daniella dapitan, i am ken francisco from psy22, and my question is why did you choose animal cruelty as your advocacy?

JA: ayan, bakit nga ba?

DD: animal cruelty kasi isa siya sa mga laganap na isyu ngayon na nakikita natin sa mga social media sites sa news, lagi nating nakikita yung mga aso na minamaltrato, ganyan, nasasagasaan, kaya dahil napapanahon ito at kaya kailangan nating lutasin ang isyung ito at magbigay awareness sa mga tao about sa isyung ito at ma-prevent natin na gawin natin ito sa sarili natin na gawin natin ito sa mga hayop ‘yon.

JA: at ito na nga ang pinakainaabangang segment sa one on one usapan ang aming fast talk, dito po ay bibigyan namin kayo ng dalawang options at kailangan niyong mamili ng mabilis kung ano doon ang isasagot, mabilisan lamang ito at para tulungan tayong kilalanin ang panauhin natin sa araw na ito nagbabalik ang aking co-host na si joan stephanie sevillano para sa one on one investigates.

SS: handa na po ba kayo Ms. Daniella?

DD: yes handa na.

SS: ayan! Para simulan ang ating fast talk, ito ang ating unang katanungan at sunod-sunod na ito, ate.

DD: hmm. Okay.

SS: ayan! Okay, enactus o ab-ssoc?

DD: ab-ssoc?

SS: beauty o brain?

DD: brain.

SS: beach o bundok?

DD: beach.

SS: sunny o rainy?

DD: sunny.

SS: coffee o tea?

DD: coffee.

SS: modelling career o office career?

DD: office career.

SS: jogging o swimming?

DD: swimming.

SS: sneakers o heels?

DD: sneakers.

SS: dogs o cats?

DD: dogs.

SS: burger o fries?

DD: burger

SS: taho o kwek-kwek?

DD: kwek-kwek.

SS: malamig o mainit?

DD: malamig.

SS: mahal ka o mahal mo?

DD: mahal… ako? Mahal ako.

SS: math o english?

DD: english.

SS: sinigang o adobo?

DD: sinigang.

SS: ice cream o donuts?

DD: ice cream.

SS: pizza o boyfriend?

DD: pizza (laughs)

SS: day o night?

DD: day.

SS: animal rights o poverty?

DD: poverty? Ay, both.

SS: tacos o cheese?

DD: uhm… tacos.

SS: black o white?

DD: white.

SS: gown o t-shirt?

DD: gown.

SS: horror o romance?

DD: horror.

SS: cellphone o laptop?

DD: cellphone.

SS: ayan. Thank you so much for your honesty and cooperation. You have passed the test!

DD: thank you!

JA: ayan, bago magtapos, salamat jo-anne stephanie. Bago magtaposn, ano pa ang… ah ano yung mga huli mong pwede mong i-address sa ating mga kapwa lasalyano… ayan, short and sweet lang.

DD: uhm… maging responsible ah… sa lahat ng bagay and, uhm… pagbutihin natin ang ating pag-aaral. ‘yun lang.

JA: ayan, so… ano naman ang ah… how would you define danica dapitan? Ayan, huling-huli na.

DD: uhm… mahi…

JA: isa s amga ano natin ‘yan, so how would you define yourself?

DD: mahiyain, pero kapag lumabas ka sa comfort zone… kapag lum… nung lumabas ako sa comfort zone ko, uhm… ‘yun, nalaman ko na i can do everything and i can be good at everything. ‘yun.

JA: ayan, sa loob ng ilang taon nandito ka sa de la salle o d-l-s-ud, ano ang ah… mainbabahagi mong karanasan sa na talagang tumatak sa isip mo?

DD: hmm… uhm… ‘yun, yung pagkapanalo. Pagkapalano sa pageant, ‘yun yung tumatak sa akin dito sa D-L-S-U-D.

JA: hmm… so for miss danica, ano naman po ang inyong depinisyon ng salitang success o tagumpay?

DD: tagumpay?

JA: hmm…

DD: ay yung ginagawa mo yung gusto mo and yung masaya ka, masaya ka sa kung nasaan ka.’yun yung success para sa akin at yung masaya rin yung tao…

JA: hmm…

DD: para sa… yung mga mahal mo para sayo. ‘yun ang success para sa akin.

JA: ayun, tama. ‘yun talaga ang… talagang lume-level up yung syempre ‘yun talaga yung nakaka-ano ng puso… yung suporta diba?

DD: opo.

JA: yung suporta lang nung ano… next! Maari po bang na naming ah… malaman kung ano yung lagging laman ng inyong panalangin tuwing kayo ay nagdadasal?

DD: um, safety for me and my family and um maging masaya, maging satisfied sa kung anuman ang meron ako ngayon yon. More on ganon.

JA: okay, so huling katanungan ms. Danica bago po tayo magtapos, ano naman po gaya ng kanina ang mensahe niyo base sa inyong karanasan sa mga mag-aaral na nakikinig sa atin ngayon?

DD: iyon nga gaya ng sabi ko kanina, maging responsable, maging responsableng mag-aaral, maging responableng anak, maging responsible sa ating environment, maging responsableng kristiyano, at maging responsable sa ating kapwa. Iyon lang.

JA: ayan, isang pahabol pa… anu-ano ang mga gusto mong makamit na achievements five years from now?

DD: um, maging successful, magkaroon ng negosyo, makapag-travel. Iyon.

JA: ano naman ang iyong ang maging ano, nakikita mo ang sarili mo diba, saan mo ba nakikita ang sarili mo diba?

DD: um, gusto kong magtrabaho sa b-s-p iyon/

JA: bagko sentral. Ayan ayus iyan. Ayos na ayos iyan at uhm, ah, um ano pa, anp pa ang pwede nating i-ano so, maraming maraming salamat po miss danica sa pagtanggap sa aming imbitasyon. May nais pa po ba kayong batiin? Incoming events of enaktus and absoc?

DD: ayun thank you rin sa pag-imbita sa akin dito. Binabati ko ang members ng absoc, enaktus, mga eco3-1 na taga-cbaa, mga friends ko at sa mga nakikinig sana magkaroon kayo ng masayang student’s week and hi ford.

JA: *laughs* so eto naman last na last na talaga ito miss danica papaano niyo po papalawigin ang inyong adbokasiya laban sa animal cruelty?

DD: sa social media, more on social media and dito na rin sa school sana mapromote ang animal advocacy, animal cruelty. Sana magkaroon ng event para sa advocacy ko. Sa mga nasa outside ng ating university. Yon lang.

JA: maraming maraming salamat ate miss danica dapitan hanggang sa uulitin. Maraming maraming salamat po.

DD: thank you rin

JA: maraming salamat po sa isang oras ninyong pakikinig sa aming programa. Para laging updated sa mga kaganapan sa loob at labas ng campus. Bisitahin lamang po ang aming facebook page sa triple w dot facebook dot com slash 959 green f-m, sundan din kami sa twitter at instagram accounts. Isa na namang kwento ng tagumpay at pagsisikap ang ating narinig. Kilalanin natin ang kwento ng mga sikat, alamin ang kanilang istorya ng buhay, at tagumpay sa ngalan ni harlene delgado, ako po si jericho aguiatan ito po ang one on one usapan dito po sa ninety-five point nine green fm. Magandang araw po.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s